CHAPTER 17

1200 Words
BRIELLA'S POV Bilang personal maid, wala na akong nagawa kundi ang sundin ang gusto ng amo ko. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama niya habang siya ay nakapikit na. Hindi ko alam kung natutulog ba siya ngunit wala naman akong lakas ng loob para kausapin siya. Maya't maya ko na lamang tinitingnan ang temperatura niya kung bumaba na ito. Paminsan minsan din ay binabasa ko ang bimpong nasa noo niya. Makalipas ang isang oras na pagbabantay sa kaniya ay hindi man lang bumaba ang lagnat niya. Nag-aalala na ako dahil nagsisimula na namang manginig ang buong katawan niya. "Senyorito, dadalhin na po kita sa ospital," paggising ko sa kaniya. "No," maiksing sagot niya sa akin. "Pero baka ako po ang pagalitan ng magulang niyo kapag hinayaan ko lang kayo dito," kinakabahan kong sabi. "Lock the door, please," imbes ay sabi niya. "Senyorito naman. Ang tigas ng ulo mo," naiinis kong sabi sa kaniya ngunit sinunod ko rin ang sinabi niya. Tumayo ako para i-lock ang pinto ng kwarto niya. Marahil ay ayaw niyang malaman ng iba na may sakit siya. Pasaway talaga. "Senyorito." Nagmulat ng mga mata niya si Senyorito Nyx at saktong nagtama ang mga paningin namin. Hindi ako agad nakakilos dahil para akong nanigas sa pwesto ko. Hahawakan ko ulit sana ang noo niya para tingnan ang temperatura niya ngunit hinuli niya ang kamay ko. "Alam mo ba kung bakit nagkalagnat ako?" mahinang tanong niya sa akin. Umiwas ako ng tingin ngunit hindi ko magawang makalayo sa kaniya dahil hawak pa rin niya ang kamay ko. "Mahina ang resistensya niyo kaya gan'yan," sabi ko naman. Napatawa naman siya sa sinabi ko. Hindi naman ako nagbibiro dahil totoo iyon. Ang turo kasi sa akin ni Nanay, sa oras na nagkakasakit ang tao ay dahil iyon sa pagbaba ng resistensya nito. "Sort of. Pero na-trigger lang naman ang katawan ko noong nahulog tayo sa pool. Masyadong malamig ang gabing iyon kaya humina ang resistensya ko," sabi naman niya. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko ngunit mas hinigpitan naman niya ang hawak dito. Inirapan ko siya at sinadya kong ipakita sa kaniya iyon. Wala siyang lakas para pagalitan ako dahil may sakit siya. "Hindi ko na kasalanan na umuwi ka ng dis-oras ng gabi at sa may kusina ka pa dumaan. Gawain iyon ng mga akyat bahay," depensa ko pa. Napangisi naman siya. "Hindi ka talaga nawawalan ng salitang isasagot sa akin. Lagi kang may pangdepensa," hindi makapaniwalang sabi niya. "Totoo ang sinasabi ko. Hindi niyo 'yon alam dahil anak mayaman naman kayo," giit ko pa. "Ibig sabihin ay gawain mo iyon? Isa kang akyat bahay?" painosenteng tanong pa niya. "Hoy, kahit mahirap ako, hindi sumagi sa isip ko na gumawa ng masama. Nagtatrabaho ako ng marangal." Marangal nga ba, Ella? Marangal pa ba ang ginagawa mong pagpapaibig sa lalaking ito at pagkatapos ay sasaktan mo siya? Muling ngumisi si Senyorito Nyx. May sakit na nga siya ay may panahon pa siya para makipag-usap sa akin ng ganito. Never pa yata kaming nagkaroon ng matinong usapan. "Nakakalimutan mo yata na amo mo ako, Ella? Tumataas ang boses mo," seryosong sabi niya. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya. "P-pasensya na po. Nagpapaliwanag lang." Dahil hawak pa rin niya ang kamay ko, bigla niya akong hinila palapit sa kaniya. Sa gulat ko ay hindi ko na nagawang manlaban kaya napahiga ako sa kama niya. Sinamantala niya iyon para yakapin ako ng mahigpit. "S-senyorito," nauutal kong sambit. Hindi ko magawang makakilos at wala akong ibang marinig kundi ang malakas na t***k ng puso ko. Gusto kong itulak siya ng malakas ngunit tila nanghihina ang buong katawan ko. Para akong naparalisado na hindi ko maramdaman ang sarili kong katawan. "I'm sorry. I just need this," mahina niyang sambit. Hindi ako nakapagsalita. Ayokong isipin ngunit nahuhulog na ba ang loob niya sa akin? I mean, ayokong maging assuming pero hindi naman nagyayakapan ang amo at katulong. At nilabag man niya ang private space ko, wala akong magawa kundi ang umayon sa sitwasyon. Kung ito na ang simula ng pagkahulog niya sa akin, sino ako para siraan ang moment na ito? Ilang saglit pa ay naglakas loob akong silipin si Senyorito Nyx. Nakapikit na siya at tila malalim na ang paghinga, indikasyon na nakatulog na siya. Hahawakan ko sana ang ilong niya para masigurong tulog na siya ngunit nagdalawang isip ako. Nakuntento na lamang ako na pagmasdan ng malapitan ang mukha niya. Kung sa panlabas na itsura ay hindi na ako magtataka kung bakit mahal ni Ma'am Callie ang lalaking ito. Gwapo pala talaga ang isang Nyx Brandon Mallari. Idagdag pa na napakayaman niya kaya maraming babae nga ang mahuhumaling sa kaniya. Hindi ko napigilan ang mapangiti at saka ipinikit ang mga mata ko. Hindi naman ako inaantok ngunit ang init ng katawan niya na nakadikit sa akin ay para akong hinehele. So, I let myself drown to sleep. ISANG malakas na mga katok ang nagpagising sa akin. Magkayakap pa rin kami ni Senyorito Nyx at magkalapit pa ang mga mukha namin. Sa pagkataranta ko ay naitulak ko siya dahilan para magising na rin siya. "What the h*ll?" iritableng tanong niya. "May tao sa labas," bulong ko sa kaniya. Lumingon si Senyorito sa may pinto na naka-lock pa rin. "Who's that?" sigaw pa niya. "Senyorito, pinapababa na po kayo ni Don Silvestro. Kakain na raw po." Boses iyon ni Ate Jenny. Halos mapigil ko ang paghinga ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Nakahiga pa rin ako sa kama ni Senyorito habang siya naman ay nakaupo na. "Bababa na ako," sigaw naman ni Senyorito. Ilang sandali naming pinakiramdaman kung nandoon pa ba sa may pinto si Ate Jenny. Kapwa kami tahimik hanggang sa tumayo na si Senyorito. Bumangon na rin ako at agad na lumapit sa kaniya. Sinapo ko ang noo niya at nakahinga ako ng maluwag dahil hinignawan na siya. "I'm fine," maiksing sabi niya. "Alam ko po, pero kailangan niyo pa ring uminom ng gamot para hindi na bumalik ang lagnat niyo," seryosong sabi ko naman. "Kailangan kong bumaba at humarap kina Dad," pag-iiba niya ng usapan. "Pero paano po ako? I mean, nasa kwarto niyo rin ako at baka makita nila," kinakabahan kong sambit. Napangisi naman si Senyorito. "Wala naman tayong relasyon na itinatago para kabahan ka ng gan'yan." Oo nga naman. Ano nga bang ikinakatakot ko? Tumango na lamang ako sa kaniya. Inilagay ko ang mga ginamit ko sa tray at nang akmang hahakbang na ako ay pinigilan ako ni Senyorito. "Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong niya. "Lalabas na rin po. Sabi niyo naman na wala naman dapat akong ikatakot, hindi ba?" Mabilis na umiling si Senyorito. "Hindi nila pwedeng malaman na nilalagnat ako dahil paniguradong dadalhin nila ako sa ospital. Maghintay ka na lang dito at mamaya ka na lumabas kapag tulog na silang lahat," seryosong sabi niya. Kumunot naman ang noo ko. Ayaw na ayaw talaga niyang madadala sa ospital. Nakakapagtaka naman. Dinaig pa niya ang batang takot sa doctor. "Baka hanapin nila ako dahil kanina pa ako wala," alanganing sabi ko pa. "Ako na ang bahala kapag nagtanong sila. Just stay here and wait for me. Dadalhan na lang kita ng pagkain. Huwag kang lalabas kahit na anong mangyari."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD