CHAPTER 12

1238 Words
BRIELLA'S POV Bukod sa lamig ng tubig sa pool, wala na akong ibang maramdaman kundi kahihiyan. Unang araw ko pa lamang sa mansion ng mga Mallari ay tila mapapatalsik na ako agad. Hindi ko alam kung anong gagawin hanggang sa umahon na sa pool ang lalaking siyang target ko pala. Nang lumingon siya sa akin ay napalunok ako. "Bakit natahimik ka yata? Ang daldal mo lang kanina a," nakangising sabi niya sa akin. "Ella, ano bang ginagawa mo?" singit sa amin ni Ate Jenny na kararating lang at mukhang naalimpungatan lang. Mabilis niya akong inalalayan para makaahon sa pool. "Ate Jenny," naiiyak kong sambit. "Magpalit ka agad ng damit at pumunta ka sa office ni Don Mallari. Naku ka, ayaw no'n na pinaghihintay." Hinila na ako ni Ate Jenny papasok sa bahay. Hindi ko na nagawang lingunin pa ang Nyx na iyon dahil sa bilis ng mga pangyayari. "Wala ka pang bente kwatro oras dito ay napa-trouble ka na agad," dismayadong sabi sa akin ni Ate Jenny. "Ate, anong gagawin ko? Baka palayasin na ako agad," naiiyak kong sabi sa kaniya. Nasa loob na ako ng CR at nagpapalit ng damit habang si Ate Jenny ay nasa labas at hinihintay ako. "Sabihin mo na lamang ang totoo kay Don Mallari. Ikwento mo sa kaniya kung bakit nasa labas ka pa at kung paano ka nahulog sa pool. Bilisan mo na d'yan!" Pagkalabas ko ng CR ay agad akong hinila ni Ate Jenny papunta sa sinasabing opisina ng don sa mansion. "Kumatok ka muna bago pumasok. Hihintayin kita sa maid's quarter," sabi sa akin ni Ate Jenny at saka siya humakbang palayo sa akin. Napahinga naman ako ng malalim habang nakatingin sa pintong nasa harapan ko. Hindi na ako nagdalawang isip na kumatok at saka pinihit ang seradura. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Sir Nyx at ang ama nito. "Have a seat," maawtoridad na sabi sa akin ni Don Mallari kaya agad akong sumunod. Umupo ako sa harapan ni Sir Nyx na kasalukuyang nakatingin lang sa may sahig. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon. Mukha naman siyang kalmado habang ako ay halos takasan na ng puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito. "You're the new maid. What's your name, Hija?" seryosong tanong sa akin ni Don Mallari. "Ella po. Ako po si Ella," mahinang sagot ko. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Bakit nasa labas ka ng ganitong oras at kasama mo pa ang anak ko?" Huminga ako ng malalim. "Hindi po kasi ako makatulog dahil naninibago po ako. Kaya nagpasya po akong magpahangin sa labas. Ang kaso po ay nakasalubong ko si Sir Nyx na papasok doon sa may kusina. Hindi ko pa po siya kilala kaya akala ko po ay magnanakaw siya." "Magnanakaw?" hindi makapaniwalang tanong pa sa akin ng don. "Opo. Pasensya na po, Don Mallari. Wala po talaga akong idea na siya po pala si Sir Nyx. Akala ko po talaga ay akyat bahay siya," naiiyak kong sagot. Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Don Mallari na labis kong ipinagtaka. Maski nga si Sir Nyx ay ganoon din. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa ama. "Dad?" naguguluhang tanong pa niya. "I'm sorry, Son. Hindi lang ako makapaniwala na may mga babae palang hindi nakakakilala sa 'yo." Bahagya akong nagtaka. Akala ko kasi ay napakaseryoso at napakahigpit ni Don Mallari, ngunit hindi ko akalain na mapapatawa ko siya ng ganito. Hindi ko alam kung isang magandang balita ba iyon o dapat na mas matakot pa ako. "Hija, totoo bang hindi mo kilala ang anak ko? His face is everywhere," baling sa akin ni Don Mallari. "Pasensya na po talaga, Don Mallari, pero hindi ko po talaga siya kilala." "Don't you have any social media account?" seryosong tanong sa akin ni Sir Nyx. Napakagat ako sa labi ko. Kinuha ko ang cellphone kong halos limang taon ko nang ginagamit. "Paano po ako magkakaroon no'n kung de keypad lang po ang cellphone ko? Mahirap lang po kami kaya kailangan na kailangan ko po ng trabaho. Hindi ko po kayang mawalan ng trabaho ngayon kaya pasensya na po talaga sa nagawa ko," seryosong sabi ko pa. "Honestly, Miss Ella, you amazed me. Huwag kang mag-alala dahil hindi kita tatanggalin sa trabaho. Pero may isa kang trabaho na kailangang gawin para sa akin," seryosong sabi sa akin ni Don Mallari. "Kahit ano po, kaya ko po," sabi ko naman. "You will be my son's personal maid. At ire-report mo sa akin ang lahat ng makikita mong kakaiba sa anak ko. You know, he's my only son." "Dad?" pagtutol naman ni Sir Nyx. "What? You're out of control, Nyx Brandon. Kung hindi nangyari ang mga ito ay hindi ko pa malalaman na tumakas ka na naman para gumimik." Hindi nakapagsalita si Sir Nyx at napasabunot na lamang siya sa buhok niya. Mukhang takot naman siya kahit papaano kay Don Mallari. Nakakatakot naman kasi talaga ang don lalo na kapag napakaseryoso na nito. Kung hindi nga ito tumawa kanina ay baka nahimatay na ako sa nerbyos ngayon. "So, Miss Ella, maaasahan ba kita?" baling pa sa akin ng don. "Opo, Don Mallari," mabilis kong sagot. "The both of you, you may go," maawtoridad niyang sabi. Mabilis akong tumayo at humakbang palabas ng opisina. Ayoko sanang magpang-abot kami ni Sir Nyx ngunit nahabol pa rin niya ako. Naabutan niya ako sa may hagdan at hinawakan pa niya ang kamay ko upang pigilan ako sa paglalakad. "So, that's it?" walang emosyong tanong niya sa akin. "Sir, nag-sorry na po ako," sabi ko naman. Napangisi naman siya sa akin. "Enough na ba iyon matapos mo akong tutukan ng kutsilyo mo? Mabuti nga at hindi kita sinumbong kay Dad e." "So, thank you po?" patanong na sabi ko pa. Marahang napailing si Sir Nyx. "Personal maid kita kaya kailangan ko ang almusal ko bukas ng alas sais ng umaga. Dalhin mo iyon sa kwarto ko," pag-iiba niya ng usapan. Marahan akong napatango. "Noted po," tipid kong sagot. Tumalikod na ako sa kaniya dahil hindi ko pa siya kayang kausapin ng mahaba-haba. Nahihiya pa rin ako sa mga nangyari at nanlalambot na ako dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Mabilis akong bumaba ng hagdan dahil gusto kong mahiga na agad. Naghihintay pa nga pala sa akin si Ate Jenny na paniguradong tatanungin ako kung anong nangyari. Paniguradong pagkukwentuhin pa niya ako para may mai-report siya kay Ma'am Callie. "Wait." Napatigil ako sa paglalakad nang magsalita mula sa likuran ko si Sir Nyx. Hindi ko na napansin na sinundan pa rin niya ako hanggang dito sa baba. Narinig ko ang mga yabag niyang papalapit sa akin hanggang sa sumulpot siya sa harapan ko. Inilahad niya ang kanang kamay niya. "Sa susunod na gamitin mo ito laban sa akin, may kalalagyan ka na talaga," walang emosyong sabi niya. Marahan akong tumango habang kinukuha sa kamay niya ang balisong ko. Sa taranta ko kanina ay hindi ko na ito nakuha sa pool. Hindi ko naman akalain na makukuha pa niya ito at ibinalik pa sa akin. "See you tomorrow, Ella." Umalis sa harapan ko si Sir Nyx at wala na akong nagawa kundi ang sundan na lang siya ng tingin. Napahinga ako ng malalim habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa balisong ko. Paano ko ba mapapaibig ang isang Nyx Brandon Mallari kung paiba-iba ang emosyon niya? Ni hindi ko rin mabasa ang ugali niya. Paano ko ba makukuha ang atensyon niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD