CHAPTER 3

1484 Words
BRIELLA’S POV “Ma’am Callie, hindi ko po yata naiintindihan ang sinabi niyo,” nauutal kong sagot sa dalagang kaharap ko. Naningkit ang mga mata ni Ma’am Callie na ikinalamig ng buong katawan ko. Kapag ganito kasi ang reaksyon niya ay galit na siya at hindi niya palalampasin ang mga sinabi ko. Napatungo na lamang ako habang inaantay ang sasabihin niya. “My god! Ang hina mo namang umintindi!” mataray niyang sabi. “Pero dahil kailangan kita, kailangan mong tanggapin ang alok ko. Paiibigin mo ang ex ko, aakitin mo siya. At kapag sigurado ka na’ng mahal ka na niya, iiwan mo siya na walang sinasabing kahit na anong dahilan. Naiintindihan mo na ba?” Huminga ako ng malalim. Naiintindihan ko naman ang sinabi niya kanina. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan kong gawin iyon at bakit ako ang napili niya sa ganoong klaseng trabaho. At isa pa, sa itsura kong ito at katayuan sa buhay, imposible yata na may magmahal sa akin. “Pasensya na po kayo, Ma’am Callie. Ngunit sa tingin ko po ay hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Imposibleng mahulog po ang loob sa akin ng ex niyo,” ang tanging sinabi ko na lamang. “You have an option, girl! Tatanggapin mo ang alok ko, bibigyan kita ng sahod na alam kong makakatulong sa nanay mo, or tatanggalin kita bilang katulong sa bahay, mawawalan ka ng trabaho at mas lalong mawawalan ka ng panggastos dito sa ospital.” Mabilis akong napalingon kay Ma’am Callie. Deretso siyang nakatingin sa akin. Walang reaksyon ang mukha niya ngunit alam kong seryoso siya sa sinabi niyang iyon. Hindi ko kayang mawalan ng trabaho ngayon lalo na at kailangan ko ng malaking halaga para sa pagpapagamot ni Nanay. “Ma’am Callie,” naiiyak kong sambit. “Callie! Bakit nandito ka sa labas?” Sabay kaming napalingon sa tumawag kay Ma’am Callie. Napakagat ako sa labi ko nang makita ko si Gael na mabilis na naglalakad palapit sa amin. Tumingin siya saglit sa akin at saka muling inilipat ang tingin sa kaniyang kapatid. “Ang tagal mo kasi, Kuya. Hindi ko kayang magtagal sa loob ng ospital,” nakangusong sagot ni Ma’am Callie. Muling tumingin sa akin si Gael at may pag-aalala sa mga mata niya. Marahan naman akong umiling dahil ayokong mahalata ng kapatid niya na close kaming dalawa. Kaya kailangan naming magpanggap na hindi halos magkakilala. “Tinawagan na ako ni Nyx at ipinaliwanag na niya ang lahat sa akin. You should stop chasing him, Callie. It’s over,” seryosong sabi ni Gael sa nakababata niyang kapatid. Iyon marahil ang tinutukoy ni Ma’am Callie na ex niyang kailangan kong paibigin. Hindi pa naman ako pumapayag sa inaalok niya sa akin ngunit tila wala naman akong pamimilian. Mawawalan ako ng trabaho kapag nag-inarte pa ako. “Yeah. Napag-isipan ko na ‘yon, Kuya.” “You’re Ella, right?” hindi nakatiis na tanong sa akin ni Gael at hindi na pinansin pa ang sinabi ng kapatid niya. Alam kong kating kati na siyang malaman kung anong ginagawa ko sa ospital. Gael is a good friend of mine. Paniguradong sasabihin din niya ito sa iba naming kaibigan dahil kilala niya akong mapaglihim sa kanila kapag mga ganitong sitwasyon na. “Kuya, she’s our maid. Her Nanay is inside and she needs money. Can we pay their hospital bill?” singit sa amin ni Ma’am Callie na halata namang iniipit ako sa sitwasyon kong ito ngayon. “What happened?” nag-aalalang tanong pa ni Gael. Tumungo naman ako upang hindi ko masalubong ang mga tingin niya sa akin. “Kailangan pong operahan si Nanay. May appendicitis po siya,” magalang kong sagot. “Don’t worry. Ako na ang bahala sa bill niyo. Pwede ka na rin munang hindi pumasok bukas para masamahan mo ang iyong ina,” seryosong sabi naman ni Gael. Mabilis po akong umiling. “Malaking tulong na po ang ginawa niyo, Sir. At hindi ko po iyon aabusuhin. Nandyan naman ang mga ate ko para samahan si Nanay. Papasok po ako bukas,” mabilis kong sabi. “Sigurado ka ba?” tanong pa niya sa akin. “Opo. Maraming salamat po.” “Kuya, let’s go na,” singit sa amin ni Ma’am Callie na hinawakan pa si Gael sa braso nito. “Mauna ka na sa kotse. Kakausapin ko pa si Ella.” Hindi na nagpumilit pa si Ma’am Callie at sumunod na lamang siya sa sinabi ng kuya niya. Ngunit bago ito lumayo sa amin ay tumingin pa ito sa akin. And I know that look. Tila wala na talaga akong kawala at kailangan kong sundin ang sinabi niya tungkol sa ex niya. “Ayos ka lang ba?” baling sa akin ni Gael nang makalayo sa amin ang kapatid niya. “Oo, ayos lang ako,” mahinang sagot ko. “Huwag mo nang intindihin ang hospital bill niyo. Ako na ang bahala doon,” sabi pa niya. “Gael, kilala mo ako. Hindi ako papayag na ganito na lang. Babayaran ko sa ‘yo paunti-unti ang utang ko,” seryosong sabi ko naman. “Ella, huwag mo na munang intindihin iyon. Magkita na lang tayo sa bahay bukas. Pero kaya mo ba talagang magtrabaho bukas?” “Oo naman. Mas lalong hindi ako pwedeng tumigil sa pagtatrabaho ko. Alam mo ‘yan,” sabi ko naman. Marahan namang tumango sa akin si Gael. “Just call me if you need anything, okay?” “Thank you.” Umalis na si Gael kaya naman napahinga ako ng malalim. Kung tutuusin ay hindi ko na kailangan pang tanggapin ang alok na trabaho ni Ma’am Callie dahil kay Gael. Ngunit ayokong magkaroon ng malaking utang sa kaibigan ko. Kailangan ko pa ring bayaran ang gagastusin ni Gael sa opera ni Nanay. At mababayaran ko lamang iyon kung tatanggapin ko ang trabaho. Umuwi ako sa bahay na bagsak ang mga balikat ko. At dahil nasa ospital sina Nanay ay napakatahimik ng bahay. Ako lang mag-isa dito kaya mas pinili ko na lang linisin ang mga naiwag kalat pa ng mga ate ko. May ilang bote pa nga ng beer ang nakapatong sa lamesa na alam kong kina Ate iyon. Kaya pala naaamoy ko sa kanila ang alak nang dumating ak sa ospital. Napailing na lamang ako dahil wala naman akong magagawa. Nabubuhay sina Ate sa paraang gusto nila dahil wala silang iniintinding gastusin sa bahay. Ayoko namang magreklamo dahil paniguradong gulo lamang ang maidudulot noon. Ayoko nang mai-stress si Nanay sa aming magkakapatid kaya pilit ko na lamang iniintindi ang mga nakatatandang kapatid ko. Nang matapos akong maglinis ng bahay ay pabagsak akong naupo sa upuan. Sakto namang tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko itong kinuha sa bag ko. Akala ko ay sina Ate ang tumatawag ngunit si Freya pala. “Ella, nabalitaan ko ang nangyari kay Tita. Kumusta siya?” bungad sa akin ng kaibigan ko. Tipid naman akong napangiti. “Maayos naman daw si Nanay basta maoperahan lang siya,” maiksing sagot ko. Hindi na ako nagtataka kung paano nalaman ni Freya dahil paniguradong sinabi na iyon ni Gael sa kaniya. “E ikaw, ayos ka lang ba? Nag-aalala sa ‘yo si Gael,” seryosong sabi naman niya. “Okay na ako dahil tinulungan ako ni Gael sa mga bayarin sa ospital. Maooperahan si Nanay kaya palagay na ang loob ko.” “Paano mo mababayaran si Gael? Malaking halaga ang pagpapa-opera, Ella,” malungkot na sabi pa niya. Huminga ako ng malalim. “Saka ko na iisipin iyon, Freya. Ang mahalaga ay gumaling na si Nanay,” naluluha kong sagot. “Nasaan ka ba? Gusto mo puntahan kita?” Marahan akong umiling. “Hindi na, Freya. Ayos lang ako. Huwag na kayong mag-alala sa akin.” Pinilit kong gawing normal ang boses ko upang hindi mahalata ni Freya na umiiyak na ako. Ayoko na siyang maabala pa dahil alam ko namang busy siya sa pag-aaral niya. Ang alam ko ay malapit na ang exam nila kaya tutok siya ngayon sa pag-aaral. “Briella Jane Dizon, alam mo naman na nandito lang ako palagi, hindi ba? Hindi mo kailangang dalhin mag-isa ang mga iniisip at nararamdaman mo.” Mariin akong napapikit. Alam ko naman iyon. Simula noong nagdalaga ako, si Freya na ang naging kasangga at kakampi ko sa malupit na mundong ito. Ngunit iba na ngayon dahil may kani-kaniya kaming buhay. Ayokong pati siya ay madamay o maapektuhan sa mga problema ko. Sapat na sa akin na alam kong may mga tao pa rin na maaari kong sandalan at takbuhan. “Okay nga lang ako, Freya. Sige na, alam kong nag-aaral ka. Huwag ka nang mag-alala sa akin, okay? Matibay ‘to,” pabirong sabi ko pa. “Okay, sige. Basta tawagan mo ako ha, o kahit sina Jayden o Gael. Tawagan mo kami kapag kailangan, okay?” “Yes. Thank you, Freya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD