BRIELLA'S POV Napabangon ako bigla nang maalimpungatan ako. Napangiwi pa ako dahil sa pagkirot ng likod ko pero hindi ko na lamang iyon ininda. Hindi ko alam kung anong oras na ngunit nang matanaw ko sa labas ng bintana na mataas na ang araw, dali dali akong lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Sir Alejandro na nasa kusina at nagluluto. "You're awake. Good morning, Ella," nakangiting bati niya sa akin. "Tinanghali po ako ng gising. Pasensya na, Sir. Si Senyorito po?" nahihiya kong tanong. "Hinayaan kitang matulog lang dahil alam kong napagod ka kagabi. And Nyx, maaga siyang umalis dahil may kailangan siyang gawin. As for you, tinotoo ko na'ng hiramin ka ng buong araw ngayon," sagot naman niya. "Kung ganoon po, ako na diyan, Sir." Kung hiniram ako ni Sir Alejandro, ibig sabihin ay kaila

