THIRD POV Alas singko pa lang ng umaga ay nakabihis na si Nyx. Mabuti na lamang na may damit pa siya sa bahay ng pinsan na si Alejandro kaya may naisuot siya para ngayong araw. Ang bahay kasi ng kaniyang pinsan ang puntahan niya kapag nag-aaway sila ng kaniyang ama. At sa lahat ng mga pinsan niya, si Alejandro ang pinakamalapit sa kaniya. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng guest room upang tingnan si Ella kung gising na ito. Bahagya siyang napangiti nang makitang mahimbing na natutulog pa ang dalaga. Pagbaba niya sa may kusina ay nandoon na si Alejandro na nagtitimpla ng kape. "Ang aga mo," puna sa kaniya ng binata. "I need to deal with those thugs," maiksing sagot niya. "How about Ella?" Bumuntong hininga siya at saka nakitimpla rin ng kape. "She's still sleeping. And I don'

