THIRD POV Napapikit na lamang si Ella nang maramdaman niya ang malakas na pagtama ng kahoy sa kaniyang likod. Mabuti na lamang na nasalo siya ni Nyx kaya hindi siya tuluyang lumagapak sa lupa. "Ella?" gulat na gulat na sambit ni Nyx. "Pare, babae ang nahampas mo!" sigaw ng isang lalaki na nakatingin din sa dalawa. "Gago! Bigla na lang sumulpot sa harapan ko," kabadong sabi naman ng lalaking nanghampas. "Tara na! Bilis!" Nagsitakbuhan ang tatlong lalaki habang sina Ella at Nyx ay napaupo na lamang. Hawak ni Nyx si Ella sa balikat habang nag-aalalang nakatingin sa kaniya. "D*mn. Why did you do that?" Marahang napangiti naman si Ella. "Hindi ko rin alam, Senyorito." Napailing na lamang si Nyx. Inalalayan niyang makatayo ang dalaga. Hindi na siya nag-aksayang tanungin ito dahil alam n

