BRIELLA'S POV "Akong mukha 'yan, Ella?" Napatingin ako kay Ate Jenny na kakapasok lamang sa kwarto namin. Kasalukuyan kasi akong nakaupo sa bed ko at nakahalumbaba. "Ang laki ng problema ko, Ate Jenny," naiiyak kong sambit. "Bakit? Ano iyon?" "Gusto akong isama ni Senyorito sa engagement party ni Gael," malungkot kong sagot. "Gael? As in 'yong kapatid ni Ma'am Callie? O, hindi ba maganda nga iyon? Makikita ni Ma'am Callie ang progress mo sa inuutos niya," nakangiting sabi pa ni Ate Jenny. Napahilot na lang ako sa aking noo. Hindi naman kasi iyon ang iniisip ko. Ang pinoproblema ko ay engagement party iyon ng dalawa kong kaibigan. Kapag nakita nila ako doon na kasama ko si Senyorito Nyx, ano na lang ang iisipin nila? Baka isipin nila na tinanggihan ko si Gael dahil sa yelo kong amo.

