Nagising ako dahil sa maliliit na halik na nararamdaman ko sa pisngi ko. Bahagya akong gumalaw pero may makirot sa maselang bahagi ng katawan ko. Bigla kong naalala ang mga nangyari sa amin ni Brent kagabi. Nasa iisang kwarto nga pala kami. Sabay naming pinagsaluhan ang init ng aming mga katawan kagabi. Gosh! Natulog pala kaming walang mga saplot. Nakadantay ang kanyang mga hita sa buong katawan ko. Habang patuloy pa rin ang paghalik nya sa aking pisngi. Naku! Nakikita na nya siguro ang maputla kong mukha. Wala na akong kawala! Sa bagay wala na akong maitatago sa kanya dahil nakita na nya ang lahat sa akin. Mukhang kabisado na nya ang bawat detalye nito. Pinamulahan ako ng pisngi sa mga naiisip ko. Naramdaman kong bumaba sa aking leeg ang mga halik nya. Narinig ko ang pagsu

