"Hoy! Tigil tigilan mo nga si Liza! Hindi naman yan katulad mo na kung kani kanino pumapatol! Pakialam mo ba sa band aid nya? Inggit ka??" Pagtatanggol sa akin ni Carol Mas nasaksihan ko ang galit ni Kath pagkatapos syang pagsabihan ni Carol. Humakbang syang paharap sa amin at nanlilisik ang mga mata nya. "And who do you think you are, to accuse me? Ikaw naman Carol, dakilang sipsip ka! Kumakapit ka sa kanya para mapalapit din sa boss natin right?" Wika ni Kath. Tila nagpantig ang tenga ni Carol kaya akmang susugurin nya si Kath ngunit.. "Okay Razon's Paint employees! Go to your respective group now!" Sigaw ng facilitator. Napahinto si Carol at kinuyom na lang nya ang kanyang mga kamao. Ramdam ko ang galit sa buong pagkatao nya. "Goodbye Sipsip!" Pang-aasar ni Kath sa nanggaga

