13 Panay ang kulit sa akin ni Vivian na magkwento tungkol kay Elay. Hindi ko naman pinagbibigyan. Ayoko lang pag-usapan. "Close na kayo ni Vivian ah." Komento ni Vida. Kakababa ko lang kasi ng tawag ni Vivian. "Gaano na ka-close?" pang-iintriga pa niya. "NOYB." Natatawa naman niyang nilapag sa harapan ko ang mga folders ng applicants. "MInsan naisip kong isako ka na lang nang wala nang mag-apply dito e. Tingnan mo nga ang mga yan. Parang TO LANDI RAILEY lang ang gusto e." "Hot ako e." Pagyayabang ko din naman. "Ikaw? Move on ka na? Inirapan lang ako. And I was just kidding. Matagal kasi talaga makamove on yan si Vida. As usual hinayaan ko siyang salain ang mga aplikante. She knows exactly what to do. Itutulog ko na lang muna. Ni-lock ko pa nga ang pinto para walang istorbo. Just w

