12 Nag-iwan ako ng note para kay Vivian. Tama siya, mahalaga pa din si Zcia sa akin. Actually, thirty minutes na akong nandito sa tapat ng bahay nina Avery. Hindi ko pa alam kung anong sa sabihin ko. o kung kaya ko ba siyang pakiharapan lalo na at siya ang laging almost perfect na tao para kay Zcia. Angtagal na pero ganito pa rin pala ang insecurities ko sa bestfriend niya. Nakakababa ng self confidence! Naglakas loob akong magdoorbell kahit alanganing oras na ng gabi. Ilang beses hanggang sa nagswitch on ang ilaw. Nakakabawas talaga ng confidence tong si Avery kahit nakapambahay lang. “Hi…” alanganing kong bati sa kanya. Siguro ay alam na niya kung bakit ako nandito. Nagpalinga-linga muna siya bago ako pinapasok. “Sorry. Naistorbo ko yata ang tulog mo.” “Okay lang. Hindi naman ako

