11 Magaling din ang timing ng kamalasan ni Vivian. Pumasok ba naman sa isang bar na hindi rehistrado. Nagkataong ni-raid ng kapulisan. Hayan! Nahuli din siya napagkamalan parokyano doon. “Boss, journalist kasi siya. She is working on an article kaya siya napadpad dun. At hindi rin niya alam na illegal ang bar na pinasok niya.” Diskumpiyado ang tingin sa akin ng pulis. “Nasaan ba ang ID mo?” “Nasa isang bag ko.” mangiyak-ngiyak na niyang sagot. “Boss. Pagamit nga ng phone.” I dialed QCPD number. May pinsan ako dun. “Hello. Can I please talk to PO2 Randolf Esguera, pakisabi si Railey.?” Napatingin sa akin ang pulis sa desk. Tamang nasa kabilang linya na si Randolf. (Hello…) >>>Favor nga. (Anong gusot na naman ang pinasok mo pinsan? ) natatawang tanong niya. >>>

