RC 9 (Bueset ka Hype. Hindi ka na bumalik!) >>>Sorry na. Kailangan ako ni Vida dito e. Ikaw na bahala diyan. (Saan ba yang bahay ni Vida? Pupunta kami ni Fretzie.) >>>Nakuh! Huwag na. Makakagulo lang kayo dito. Broke yung tao tapos makakakita ng lovers? Baka batuhin ka pa ng mesa. Ha ha. Sige na. Bye na. Hindi makakatulong kay Vida ang makakita ng mga couples sa ngayon. Sa ugali nito e baka magkapatong-patong ang kabadtripan niya kapag nakita ang dalawa. “Hindi ka pupunta sa bar?”tanong ni Vivian.”Mag-7:00 na oh.” “Hindi ko naman pwedeng iwan to dito nang ganito.” “Sige. Magluluto na lang ako para makapagdinner na rin tayo.” Naghanap siya ng mailuluto sa

