RC 8 Naalimpungtan ako sa lakas ng alarm ng phone ko. Nagkalat sa paligid ko ang mga bote ng alak. Hindi pa rin pala ako kumukupas. Kumuha muna ako ng damit sa kotse ko bago nagtungo sa aking opisina. Chineck ko rin ang aking phone. Angdaming unread messages. Delete all baby! I took a quick shower and I’m off to Mhisty’s humble home! Makikibreakfast na lang ako kaysa magluto pa ako no. At dahil hindi gaanong mabigat ang trapiko, wala pang isang oras ay nasa parking lot na ako ng condo ni Mhisty! Naririnig ko na ang pagkalam ng sikmura ko sabay ng pagwewelga ng mga alaga ko. Nakapamulsa ako nang pinagbuksan niya ako ng pinto. Nakabath robe pa nga siya at may sipilyo ba sa bibig. “Morning…” bati ko saka ko tinul

