Cacia’s POV Ang sarap gumising sa umaga kapag sa malambot na kama at sa malamig na kuwarto ka na nakatulog buong gabi. Nakabalik na kami sa manisyon kagabi. Kaya lang, wala rito si Zelan ngayon kaya solo ko itong kama at kuwarto niya. Nung dumating kami kagabi, hindi siya sumamang umuwi dito sa manisyon nila. Sa condo raw siya matutulog kasi marami siyang trabahong naiwan na kailangan niyang tapusin agad-agad. Pabor sa akin kasi ayoko rin talagang katabi siya sa kama. Hindi ako makakilos ng maayos. Kaya naman heto, ang ganda ng mood ko kasi back to normal na ulit, nandito na kami sa mansiyon. “Bilang reward sa magaling na pag-acting mo sa island, pinapayagan kitang umuwi o magbakasyon ng dalawang araw sa pamilya mo,” salubong sa akin ni Mama Zobel pagdating ko dito sa hapagkainan. Napang

