CHAPTER 10 “Hindi pa kita pinapayagang umalis.” Isinalya ni Simon si Addie sa likod ng pinto.“Sabi ko ‘di ba, dito ka sa akin ngayong gabi,” bulong ni Simon sa tenga ni Addie. At sa pagkakabanggit nito ay ubod ng senswal, tila nais siyang angkinin. “Bago ka pumunta rito, alam mong ganito ang mangyayari. You're ready for it. Hayaan mo, mas hihigitan ko ang ginawa ni Gabriel kagabi . . .” Pilit na pumalag si Addie. Sanay na siya sa panunukso ni Simon at kahit kailan naman ay hindi ito nagpumilit kaya ganu'n na lang ang tiwala niya kay Simon kahit pa maiwan silang dalawa lang sa kwarto. He never took advantage of her. Nanunukso man pero hindi nagpupumilit. “Simon, I know you. Masyado kang mabait para maging kontrabida sa buhay ko.” Tinulak ni Addie ang dibdib ni Simon. Sa tuwing may eksen

