CHAPTER 9 “Pancho, nasaan na ang DNA test result?” Agad na ibinigay ni Pancho kay Gabriel ang isang medium size envelope. Nanginginig ang mga daliri ni Gabriel habang binubuksan ang selyadong sobre. Nanlaki ang mga mata ni Gabriel nang makita ang resulta ng DNA test. Hindi siya nakapag-salita ng ilang segundo. Pinilit niyang ikurap ang mga mata baka sakaling mag-bago ang resulta. His knees quivered. He fell on his knees as if heaven and earth collided. Naubos ang lakas niya sa sandaling iyon. Nabitawan niya ang hawak hawak na kapirasong papel. Dinampot ito ni Simon at binasa ang nilalaman. Napangiwi si Simon at ibinigay kay Addie ang DNA result. Pero 0 digits ang makikita. Negative. Nanlamig ang buong katawan ni Gabriel hindi pa rin siya maka-move on sa resulta ng DNA test. Hind

