CHAPTER 31 “Pagbabayarin natin sila Addie. No sin goes unpunished. They’ll beg for mercy. Tatawagan ko na si Gob Villalobos.” Isang malaking katanungan kay Addie kung bakit napasali si Gobernador Eros Villalobos. Lalo siyang nataranta nang kinakausap ito ni Tristan sa cellphone. Sasagot pa sana si Addie ngunit natahimik siya nang kausap na ni Tristan ang gobernador. Pinakinggan na lang niya ng maigi kung anong pinag-uusapan nito ngunit si Tristan lang ang kanyang naririnig. “Good afternoon po, Gob. Pwede bang makapasyal sa bahay niyo? May supresa akong siguradong gustong-gusto mo. Anytime po. Ah good. That’s fine po. Alright Gob. See you soon. Thank you.” Napatulala na lang si Addie matapos makipag-usap ni Tristan kay Eros. “Ok na. May date kayo ni Gob bukas, dinner date kaya mag

