CHAPTER 30 “No, I guess. Hindi naman niya ako gusto makita. He hates me so much. Sa hacienda na lang ako pupunta–” “Yeah, you should go back to your place, bumalik ka na sa UK.” Napatingin na lang si Shoni kay Tristan. Mas nangingibabaw ang pananabik kahit na hindi maganda ang pasok ni Tristan. “Bakit mo 'ko pinapabalik sa UK? Kakauwi ko lang,” nauutal na tanong ni Shoni. Pilit niyang tinutuwid ang pilipit niyang dila. “Umuwi ka na. You're not welcome here,” iyon lang ang sinabi ni Tristan at umalis na. Naiwan ang dalawang dalaga na natahimik. Si Shoni na ang bumasag ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “Why are you doing this, Addie? Pati ba naman ako, tinatalo mo?” maluha-luhang tanong ni Shoni. Isang mahigpit na yakap ang tugon ni Addie at hindi na napigilan ni Shoni na bu

