CHAPTER 29 “Welcome back, Adriana. Ano na’ng plano mo?” tanong ni Tristan nang makabalik na si Addie sa poder niya. “Syempre maghihiganti. Pero kailangan kong matulog–” Bigla na lang nawalan ng malay si Addie. Mabuti at agad siyang nasalo ni Tristan. “Addie! Huy!” Tinapik tapik ni Tristan ang pisngi ni Addie para magising. Ngunit nanatili lang itong walang malay. Kaya binuhat na lang niya si Addie. Naalala niyang over-fatigued nga pala ito at kailangan ng matinding pahinga. Dapat nga ay nakahiga lang ito sa kama at hindi pinapagod. Nakaka-awa si Addie dahil hindi na pinagpahinga ni Gabriel. Nagrerecover pa si Addie pero pinagod niya na agad. Hindi na nakayanan ng katawan nito ang pagod. Pero ito naman talaga ang gusto niyang mangyari– ang bumalik si Addie sa kanya at magalit sa mg

