CHAPTER 28 CONTINUATION OF FLASHBACK… “Hindi pa ba obvious? I like you Addie. Binayaran ko ng dalawang milyon ang isang gabi mo. You will be mine tonight.” Palapit na ang mga labi ni Eros sa mga labi ni Addie kaya sa pagkataranta ng dalaga ay nasampal siya nito. Nanlaki ang mga mata ni Addie. “Sorry po Gob, nabigla lang po ako. Ibibigay ko po lahat ng sahod ko sa pagkakatulong. May limang libo na po akong ipon sa banko. Huwag niyo po akong i-salvage–” Napatakip ng bibig si Addie. Sa sobrang takot niya ay kung ano ano na ang kanyang nasabi. Napaluha na lang siya sa takot at baka nga tuluyan na siya ni Gob. Ngunit natigilan si Addie nang makita ang lungkot sa mga mata ng byudong gobernador. Kahawig nito si Antonio Banderas nang matagal tagal niyang natitigan ang mukha ng gobernador. “G

