CHAPTER 22 Pagkatapos ni Gabriel lisanin ang kwarto ng kanyang ama at magbuhos ng galit at sama ng loob, gusto niya ng comfort. Si Addie lang ang makakapag pakalma sa kanya. Ang gusto niyang makita. Ngunit ang taong tinuturing niyang kapahingahan ay siya pa lalo ang taong maglulugmok sa kanya. Binigyan niya ng pagkakataon na hayaan si Addie na kausapin ang kapatid, ngunit natapos na sila ni Don Ricardo na itakwil ang isa't isa, heto sina Addie at Simon, hindi pa rin tapos sa kung ano mang pinag-uusapan nila. Gusto niyang malaman kung anong mahalagang bagay ang pinag-uusapan nila na kailangan ay sa loob pa ng kwarto pag-usapan. Bilang nobyo ni Addie, karapatan naman niya siguro na malaman kung ano iyon. Nagtungo na siya sa security room upang marinig ang pinag-uusapan nila Simon at Add

