CHAPTER 65 Sa isang linggong natitira bago ang kasal nina Addie at Sam, abala na ang lahat sa paghahanda. Magkasama sa isang high-end boutique ang dalawang bride para sa final fitting ng kanilang gown, habang sa ibang banda ay naroon ang mga pamilya nila, ibang iba ang estado ng dalawang pamilya, ang pamilya ni Simon at Sam. “Pasensya na Love, simpleng regalo lang ang kaya ng family ko,” sabi ni Sam at yumakap kay Simon. “It's ok, Love. Ang mahalaga ay naalala nila ako. And kung ano man ang kailangan nila please feel free to ask,” sagot ni Simon at ngumiti. Simple lang ang pamilya ni Sam. Ang kanyang ama na si Mang Resty ay dating construction worker at ngayon ay may kapansanan na sa binti. Tahimik lamang itong nakaupo sa gilid habang pinagmamasdan ang anak na ikakasal. Nakatabi niy

