CHAPTER 51 “Ahm sige, tungkol ba kay Simon? Ok lang naman pero baka si Gabriel ang palaging maisisingit at ibibida ko. Alam mo naman–” Ang greenhouse na kanina ay tahimik na saksi sa mga luhang pinipigil, ngayo ay nag-uumapaw na sa hagikgikan ng dalawang babaeng waring matagal ng magkaibigan. Sinimulan ni Addie ang pagbabalik tanaw sa nakaraan, simula noong musmos pa siya. “Napakaraming precious memories sa hacienda na ito. Simula pa pagkabata dito na ako namulat. Dito ako pinanganak at nagkamalay. Hindi ko man ito pagmamay-ari pero ito ang tinuturing kong tahanan. Paano pa kaya si Gabriel? Isa lang akong sampid na utusan sa bahay na ito, gayun na lang ang pagpapahalaga ko sa hacienda. Pero si Gabriel, sa kanya, siya ang nagmamay-ari nito, masisisi mo ba siya na ipaglaban kung ano ang

