CHAPTER 50 “I can explain," sabi ni Sam kay Simon nang biglang sumambulat sa sahig ang bungkos bungkos na paper bills mula sa nasirang paperbag. Hindi mawari ni Sam ang titig ni Simon sa kanya. Wala naman siyang ginagawang masama kay Simon. Pero pakiramdam niya ay kailangan niya magpaliwanag. “Ah ganito kasi brother dear,” sabat ni Shoni at pumagitna sa kapatid niya at kay Sam. “Alright, my bad. Ganito kasi, I asked her to ahm you know, get to know you better. Ganyan—” “By flirting with me? Seducing me? Then break me? Ganu'n? Well, good job nga. You deserve that payment. Dapat bigyan mo siya ng bonus.” “Hindi po ganu'n Senyorito—” Tumitig lang ng masama si Simon kay Sam. Hindi naman matagalan ng dalaga ang mga matang matalim na nakapukol sa kanya. Tatalikuran na sana sila ni Sim

