CHAPTER 55 “Pagbabayaran ng ina mo ang ginawa niya sa amin ni Adriella! Magbabayad siya!” “Sige lang, singilin mo ‘ko. Kung buhay ka pa.” Nagulat ang lahat nang dumating si Serafim sa greenhouse na may tangan na baril at nakatutok kay Addie. Natigilan ang lahat, maliban kay Sam na nasa likod ni Serafim, parang tigre na aambahan ang kanyang target na walang kamalay malay. Habang abala si Serafim na patamaan si Addie, kinuha ni Sam ang pagkakataon, hinawi niya ng malakas ang braso nito. Ngunit mahigpit ang kapit ni Serafim sa baril, imbis na mahulog ay umalingawngaw ang isang putok. Nagbuno sina Serafim at Sam sa damuhan, pilit na kinukuha ni Sam ang baril mula sa kamay ng donya at nahulog ito lupa. Dali daling tumakbo sina Simon at Gabriel para pigilan ang donya ngunit sa bilis ng pangy

