CHAPTER 56 Matapos ang kaguluhan sa greenhouse, ang pagbaril kay Simon at ang madramang pagtakas ni Domya Serafim, unti-unting nanumbalik ang katahimikan sa Hacienda. Ngunit hindi ito ang katahimikang dulot ng kapayapaan. Isa itong uri ng pananahimik na tila nag-aabang ng susunod na pagsabog. Pakiwari ni Addie isa itong “calm after the storm”. “Oh, come on, Love. Masyado ka ng napaparanoid. I can't blame you though. Masyadong traumatic ang buhay mo dito sa Hacienda sa kamay ni Sera,” sabi ni Gabriel kay Addie at niyakap ito. “But don't worry, I'll protect you, Adriella, this whole Hacienda, our home, as best I know how.” Si Gabriel ay hindi mapakali, sa totoo lang ngunit kailangan niyang maging kalmado st magpakatatag para kay Addie at sa buong Hacienda. Siya na kasi ang tumatayong head

