CHAPTER 57 “Now, anong aaminin niyo?” “Tungkol po sa pagkawala ni Nanay Selina,” sagot ni Emingard. “A-anong ginawa ni Serafim sa nanay ko?” Hindi mapakali si Addie. Itong mga huling araw, sunod-sunod ang mga rebelasyon. At ngayong kaharap niya na ang grupo ni Emingard, dama niyang may mga sikreto pang hindi pa nabubunyag at ngayon na ang oras para malaman ang iba dito. “Eming,” sabi niya at nanginginig ang kanyang tinig, “matagal na tayong magkasama dito sa Hacienda. Alam kong may alam ka tungkol sa pagkawala ni Nanay. Huwag mo na akong paikutin. Husto na ang ilang taong pangungulila ko sa nanay ko. Wala na ang Donya, wala na tayong dapat ikatakot. Walang mapapatalsik, walang makukulong basta magsabi lang kayo ng totoo. Kung wala na ang nanay ko ay tanggap ko naman. Ang gusto ko mala

