CHAPTER 58 Dahil sa buo na ang pamilya nila Addie at Gabriel, nag anunsyo si Gabriel ng isang engrandeng party sa Hacienda. Isang gabi ng karangyaan at kagalakan ang ginanap sa Hacienda Roman. Sa kauna-unahang pagkakataon, pormal na ipinakilala ni Gabriel sa lipunan si Jenny bilang si Adriella, ang anak nila ni Addie na simula't sapol pala ay naroon lang sa loob mismo ng kanilang pamamahay. Sa grandyosong bulwagan ng Hacienda, nagtipon ang mga panauhin mula sa iba't ibang bahagi ng bayan. Mga pulitiko, kaibigan ng pamilya, mga businessmen, at kung sino sino pa. Punong-puno ng bulaklak ang paligid. May mini orchestra sa isang sulok na marahang tumutugtog ng mga classical songs. Sa gitna ng selebrasyon, nakasuot ng puting bestida si Adriella, habang bitbit sa bisig ng ama niyang si Ga

