CHAPTER 37 Nasa harapan ng salamin si Addie habang tinititigan ang sarili. Hindi niya akalain na ganito siya kaganda sa suot niyang mahabang navy blue na evening gown. Mas gumanda lalo ang kurba ng kanyang katawan. Hindi na kasi siya nagugutuman, hindi na puyat sa mabigat na trabaho at gising na ng madilim pa ang umaga. Higit sa lahat ay nakakatulog na siya ng mahimbing sa gabi dahil wala na’ng stress na iniisip gaya dati. Hindi niya na kailangang magtipid at mamroblema kung paano niya mapapabilis na bayaran ang milyong utang niyang hindi naman niya napakinabangan. “Ah, stunning. Napakaganda mo talaga, my Addie,” bulong ni Eros sa tenga niya. Bahagyang nagulat si Addie nang hinigpitan ni Eros ang yakap nito sa kanyang bewang mula sa likuran. “Ah Eros, kanina ka pa ba diyan?” Kapwa

