CHAPTER 38 Parang huminto ang pag-ikot ng mundo. Nawala ang mga tao sa paligid, tanging sila lang ni Gabriel at Addie ang naiwan sa daigdig na puno ng pader sa pagitan nila. Si Gabriel na mismo ang lumalapit sa dalawang pangunahin niyang bisita dahil siya naman ang celebrant at nag imbita sa mga ito. Pilit na tinatagan ni Addie ang kanyang mga tuhod upang mapanatili ang mga binti niya sa pag tayo. Ang presensya ni Gabriel ay talaga namang nagpapalambot ng kanyang mga tuhod. Lalo pa at papalapit ito sa kanya. Nilahad ni Gabriel ang kamay niya upang makipagkamay. “Good evening, Mr. Governor, Miss Adriana,” malugod na bati ni Gabriel. Hindi sanay si Addie na magiliw si Gabriel at maaliwalas ang mukha. Lalo pa at may kasama siyang ibang lalaki. Sobrang possessive ni Gabriel, makita lang

