CHAPTER 39

1663 Words

CHAPTER 39 “Salamat Eros. Maraming salamat,” sambit ni Addie. Naroon sila ni Eros sa garden, sa ilalim ng puno ng Narra. Gusto ni Addie na mapag-isa at si Eros lang ang kasama. Mabuti at natapos na rin ang party at tapos na rin ang kaba na nararamdaman. Gusto niya na magpahinga. Tila naubos ang lakas niya sa buong gabi na yon. Ang hirap magpanggap. Ang hirap patatagin ang dibdib habang napapaligiran ng kalaban. Mas nakakapagod pa ito kaysa sa pagiging alila niya sa Hacienda. ‘You’re welcome, Adriana.” simpleng sagot ni Eros sa pasasalamat niya. Napatitig na lang si Addie sa mukha ni Eros. Ang mga mata nitong kalmado, bakit ang sakit titigan? Kahit may edad na ay napaka gwapo pa rin at ang lakas ng dating. Bakit hindi niya magawang mahalin ng tuluyan ang nakakamanghang lalaki na ito?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD