CHAPTER 5
“Yung batang ‘yon? Yung nakita ko kanina na kasama ni Simon, siya ba ang anak natin?”
Napatingin si Addie kay Gabriel. “Anak natin?”
“Kakasabi mo lang kanina, nabuntis kita.”
Muling humiga si Addie. Umusog siya sa gilid, patalikod kay Gabriel. “Wala akong sinabi. Matulog ka na Senyorito. Magpapahinga lang ako saglit, aalis na rin ako ng hacienda–”
Kinabig ni Gabriel si Addie paharap sa kanya at kinulong sa kanyang mga bisig. “I don’t fvcking care kung aalis ka ng hacienda, get out of my life even. Just tell me, ‘yung batang ‘yon, anak ko ‘yun. Anak natin.”
Matiim ang titig ni Gabriel sa mga mata ni Addie, hoping for an honest answer.
“Her eyes… the way she looked at me. . . gano’n mo ‘ko titigan.”
“Si Jenny?” Malungkot ang mga mata ni Addie. Sobrang lungkot. Nawala ang pagkalasing, napalitan ng matinding emosyon.
“Jenny? Bakit hindi mo sinabi? Bakit na kay Simon ang anak natin–”
“Hindi mo siya anak–” sabat ni Addie.
“Damn it, Addie! Tumigil ka nga–”
“Hindi ko rin siya anak!” Nagtaasan na sila ng boses at pinilit na kumalma pagkatapos.
Bumalik sa pagkakahiga si Gabriel. Siguradong mahaba ang pag-uusapan nila.
“How I wish anak ko si Jenny—” bulong ni Addie habang nangingilid ang luha.
Huminga ng malalim si Gabriel, mukhang may kailangan siyang malaman na ikagigimbal niya.
“Nasaan ang anak natin?”
“Nasa loob ng greenhouse. . .”
Halos pumiyok si Addie habang pinipilit na pinipigilan ang pag-iyak. Samantalang si Gabriel naman ay ninanamnam pa ang mga sinabi ni Addie. Sa greenhouse? Ang paborito nilang tagpuan noon ni Addie sa umaga. Anong meron sa greenhouse? Paanong naroon. Hindi kaya. . . Ayaw niyang isipin.
“You’re lying, Addie. Just tell me na anak natin si Jenny–”
“Tama na Gabriel! Kung pwede ko lang sana angkinin si Jenny!”
“Hindi mo pwedeng angkinin ang totoong iyo. Babawiin mo lang–”
“Sana nga ganun lang ’yon. Hindi ko anak si Jenny, hindi natin siya anak.”
“Then where the fvck is our child!” Napabangon ulit si Gabriel para titigan si Addie. Frustrated.
“Sa greenhouse nga.” Bumangon din si Addie at bumuhos ang luha. “Namatay siya nung pinanganak ko siya. . .” Hindi na kayang magsalita pa ni Addie. Naalala niya ang kanyang isinilang. Halos mahimatay siya sa kaka-iyak. Ang hinagpis ng isang ina na nawalan ng anak ay damang dama ni Gabriel. “Kasalanan mo, iniwan mo kami. . .”
Niyakap ni Gabriel si Addie. Pinasandig ang ulo nito sa kanyang dibdib. Hinaplos ng banayad ang mahaba at malambot na buhok ni Addie. Hanggang sa makatulog na lang ito sa sobrang pag-iyak at sama ng loob. “Hindi ko alam Addie. . .”
Inayos ni Gabriel ang higa ni Addie. Hindi niya binihisan. Tinitigan niya muna ang kabuuan ng dating kasintahan. Maalindog pa rin ito. Sa tingin niya ay mas kaakit akit pa nga ito kaysa dati. Mas lumaki ang dibdib at mas kumurba ang katawan. Nagka- anak pala sila. Nabuntis niya pala noon si Addie. Hindi naman siya magugulat dahil matindi ang pagkahumaling niya kay Addie noon, matinding pambabakod, konting selos lang ay sx na ang kapalit. Nauuwi sa kama ang mababaw nilang pagtatalo na kadalasan ay dahil lang sa selos niya.
Napangisi na lang si Gabriel, napagtanto niyang hanggang ngayon pa rin naman. Nababaliw pa rin siya sa babaeng ito. Hindi lang si Simon ang pinagseselosan niya, kahit pa ang mga simpleng trabahador. Lalo na si Tristan na kababata rin nila. Mabuti na nga lang at wala na ito sa hacienda. Maganda si Addie, siya ang pinakamaganda sa buong hacienda. Mas maganda pa nga si Addie kaysa sa mga dalagang nirereto sa kanya ni Don Ricardo na anak ng mga amiga at amigo nito.
Kahit anong gawin ni Gabriel, hindi niya kayang kalimutan si Addie. Si Addie lang ang babaeng minahal niya sa simula't simula pa lang. Napaka sakit na ganito na ang sinapit ng tila walang hanggan nilang pag-iibigan noon. Mas tumindi ang sakit at galit na naramdaman niya ngayon na nalaman niyang namatayan sila ng anak. Kung hindi siya umalis, malamang ay buhay pa sana ang anak nila. Ang masakit, bakit siya ang sinisisi ni Addie? Siya ang agrabyado. Siya ang nagdudusa.
Muling umaalab ang matinding emosyon na nararamdaman niya habang pinagmamasdan ang hubad na katawan ng dating kasintahan. Hinalikan niya ang mapupulang labi ni Addie. Ang leeg at dibdib ay pinuno niya ng kissmark. Hindi naman ito makapalag dahil sa himbing ng pagtulog. Maghapon naging abala sa party. Pagkatapos ay walang humpay niyang binayo nang nilasing niya. Dagdagan pa ng emotional outburst, lupaypay ang inabot ni Addie.
Gusto pa sana ni Gabriel umisa, at nabuhay ulit ang alaga niya pero siguradong mahapdi na ang kepyas ni Addie. Walang kapaguran niya kasi itong binira. Siguradong may ibang pagkakataon pa naman. Matagal tagal din naman siyang mamamalagi sa hacienda.
Binalutan niya ng kumot ang hubo’t hubad nilang katawan pagkatapos ay hinalikan sa noo. Payapang natulog.
= = = = = =
Nagising si Addie na may mabigat na braso na nakadantay sa bewang niya. Siniksik niya ang kanyang mukha sa napakabangong dibdib na naaamoy niya. Amoy mamahaling pabango. Hinimas himas pa niya ang mabalahibong dibdib. Pinalandas ang kanyang mga daliri sa nakakapa niyang linya hanggang marating ng kamay niya ang malambot, mahaba, at malaking hugis mushroom na bagay. Agad siyang napa dilat at napabangon nang mapagtanto niyang si Gabriel ang katabi niya. Napatingin siya sa bintana, hindi pa sumisikat ang araw ngunit mahamog na. Napatingin siya sa modern wall clock sa pader at nakita niyang alas kwatro pa lang.
“Oh sh1t!” bulalas niya nang makitang hubo’t hubad si Gabriel. Nataranta siya nang maalala ang ginawa nila kagabi. Oo, may nangyari sa kanila ng kinasusuklaman niyang amo s***h ex. Muntikan na siyang mapatili nang kinapa-kapa niya ang sarili, wala rin siyang saplot. Dali-dali niyang dinampot ang nagkalat niyang damit sa sahig nang mag sink in sa isip niya ang lahat ng nangyari. Kahit nalasing siya, malinaw pa rin naman niyang naaalala ang pinag gagagawa at pinagsasabi nila ni Gabriel.
Naghilamos siya at nagmumog para magising pa ang diwa at makapag-isip ng matino. Pero huli na nang maalala niyang naka pajama nga pala siya nang pumunta siya sa kwarto ni Gabriel. Alam ng lahat na hindi siya lumalabas ng maid’s quarter ng ganitong oras nag hindi pa naka ayos at naka uniporme na pang kasambahay. May mga trabahador pa naman na sa mga oras na ito at baka makita siya na lumabas sa kwarto ni Gabriel. Nasa fourth floor pa naman ang kwarto niya at ang maid’s quarter ay nasa pinaka ibabang palapag.
Ah bahala na. Sa isip ni Addie. Alam naman ng buong hacienda na dati silang magkasintahan ni Gabriel. Kung sakaling makarating man kay Nanang Eva, wala na rin siyang magagawa, alam naman nitong nagka-anak sila ni Gabriel dahil si Nanang mismo ang nagpa-anak sa kanya, ang nag-silbing kumadrona. Si Nanang Eva rin ang naging piping saksi sa pag-iibigan nila ni Gabriel.
= = = = =
Dahan-dahang binuksan ni Addie ang pinto para hindi marinig ang langitngit ng pintuan. Umaasa na wala pang tao sa labas.
“Aalis ka na?”
Natigilan si Addie at halos mapatalon pa sa gulat nang marinig ang boses ni Gabriel. Sa pagkataranta ay agad niyang naisara ang pinto at muling hinarap ang senyorito. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib at napasandal sa pinto.
“Senyorito, lasing lang tayo kagabi. Huwag mong gawing big deal. Kung ano man ang mga nasabi ko, hindi ‘yon totoo.”
“Your loud and wild moans don't lie, Addie.”
Namula ang buong mukha ni Addie sa hiya. Hindi niya makaka-ila na nasarapan siya sa ginawa nila kagabi at tanging si Gabriel lang ang makakapag satisfy sa kanya. Humigpit ang kapit niya sa doorknob nang tumayo si Gabriel at sinuot ang boxer shorts.
“And your tears won’t lie–”
“Tama na, Gabriel. Wala nang namamagitan pa sa atin. Kung galit ka sa akin sa hindi ko naman malamang dahilan, mas kinamumuhian kita,” iyon lang ang sinabi ni Addie at binuksan ang pinto bago pa makalapit sa kanya si Gabriel at hahaba na naman ang usapan nila. Ayaw niyang pag-usapan pa ang namatay nilang anak. Walang katapusang pagtatalo at mauuwi na naman sila sa mainit na bakbakan sa kama.
Pag-bukas niya ng pinto ay bumungad agad si Simon. Naka-sandal sa pinto ng kwarto na katapat lang ng kwarto ni Gabriel. Nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng suot nitong roba. Tila hinihintay talaga siyang makalabas ng kwarto ni Gabriel.
Sa sobrang gulat ni Addie ay agad niyang tinakpan ang kanyang leeg at dibdib na puno ng pulang marka na halata namang galing sa mga halik ni Gabriel.
Naka- simangot si Simon at hindi mawari ang kanyang itsura. Si Simon ang tipo ng taong mabait ngunit hindi mo gugustuhing magalit.
Siguradong hindi niya palalagpasin ang ginawa ni Addie.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . . SALAMAT PO SA PAGBABASA .