CHAPTER 6

1580 Words
CHAPTER 6 “Thanks for the wild night, Adriana. Salamat at pinagbigyan mo ‘ko,” sabi ni Gabriel kay Addie at umakbay pa habang kay Simon nakatingin. Sinasadya niyang ipakita sa kapatid niya na doon natulog si Addie at buong gabi sila magkasama. Nagkuyom lang ng kamao si Simon, pinipigilan ang galit. Naghihintay na magpaliwanag si Addie. “Senyorito. . . inutusan lang niya ‘ko magdala ng maiinom--” “Tangina, bakit ka nagpapaliwanag, Adriana?” sabat ni Gabriel, galit na naman. Siya ang dapat mang iinis kay Simon pero dahil sa pagpapaliwanag ni Addie, lumalabas na mas inaalala pa rin nito ang damdamin ng kapatid. Hinawi ni Addie ang kamay ni Gabriel at agad na nagpa-alam kay Simon na mauuna na. Naiwan ang dalawang senyorito na hindi pa nga sumisikat ang araw ay nagkaka-initan na. “Salamat sa engrandeng party for my homecoming,” mapang-uyam na sabi ni Gabriel kay Simon. “Party para sana makita mo man lang si Papa, bago mamayapa. Hindi mo man lang sinilip sa kwarto niya.” Bumulong pa si Simon upang itago ang pagka-dismaya. “Black sheep ng pamilya.” Hindi natuwa si Gabriel sa patutsyada ng kapatid. “At least, I’m still a part of the family, hindi gaya mo, isang sampid na pilit na pinagsisiksikan ang sarili. Bastardo.” Hinablot ni Simon ang kwelyuhan ni Gabriel at nagtagisan sila ng tingin. Ngunit dahil mas matangkad at mas malakas si Gabriel, hindi ito nagpasindak. Hinigpitan din ni Gabriel ang kapit niya sa bisig ni Simon. “Ang tinatawag mong bastardo, ang nagpabagsak sa’yo. Maghintay ka lang, makukuha ko rin si Addie.” Unang bumitaw si Simon at lumakad na pabalik sa kwarto nito. Habang si Gabriel ay nagngingitngit sa galit. Ilang taon na silang may hidwaang magkapatid, umabot na nga dati sa pisikalan noon. Sinong mag-aakalang ang magandang samahan nila bilang magkapatid ay mawawasak lang ng inggit at pagkaganid. . . at ni Addie. Tumigil na rin sila sa sakitang pisikal pero mas lumalim ang sugat nila habang tumatagal. Galit, sama ng loob, selos, lahat ng ito ay sabay-sabay na naramdaman ni Gabriel matapos siyang suntukin ni Simon ng katotohanan. Sinong hindi sasama ang loob? Sa kanilang tatlong magkakapatid, siya lang ang lehitimo. Siya ang may karapatan sa malaking bahagi ng ari-arian ng kanilang amang si Don Ricardo. Pero kay Simon, na anak sa labas, dito pinamana ang pinakamalaking parte ng kayamanan ng Don. Hindi naman siya ganid, ang hinihiling lang niya ay ang hacienda, the sole heir ng haciendang pagmamay-ari ng kanyang inang namayapa. Wala siyang pakialam kung hindi siya ang magpatakbo ng hanapbuhay nilang niyog kahit gaano pa kalaki at tagumpay ito. Wala rin siyang reklamo sa iba pang ari-arian ng kanilang papa, sa kanila na lahat iyon. Ang habol niya ay ang Hacienda Roman. Ito lang ang hinihiling niya na buong kanya dahil nandito ang alaala ng namayapa niyang ina, marami silang masayang alaala. Bakit pati ito ay pinagkait ng kanyang ama? Ang masakit pa, siya ang lehitimong anak pero ang dalawa niyang kapatid sa labas ang palaging pinapaboran ng kanyang ama. Bakit si Simon ang mas mahal ng kanyang ama? Bakit lahat ng kanya ay gustong makihati ni Simon? At bakit sa dinami-rami ng mga babae, bakit si Addie pa? = = = = = = = = = Samantala, pagbaba ni Addie mula fourth floor papuntang maid’s quarter, dahan-dahan ang bawat hakbang niya. Marami na’ng mga nakasalubong na trabahador. Hindi niya na lang pinansin kahit pa binabati siya. Ang isip lang niya ay– kailangan niya nang marating ang kwarto niya bago pa mag alas singko at magsimula ng araw bilang silbidora sa hacienda. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kanyang kwarto at napahugot siya ng malalim na pag hinga to her relief habang nakapikit at nakasandal sa pinto. Sa’n ka natulog? Ay kabayo! Halos tumalon ang puso ni Addie nang marinig niya ang boses ni Tina. Nakahiga sa kama niya. Nakayakap pa sa paborito niyang unan. “Saan ka natulog? Uwi ba ng matinong dalaga ‘yan?” Nakataas ang kilay ni Tina habang tinatanong si Addie. “Sa ano. . . sa kwarto mo,” nauutal na sagot ng dalaga. Pagkatapos ay humiga rin agad sa kama niya, sa tabi ni Tina. Inaantok pa kasi talaga siya. Gusto niya pang matulog at bumawi ng lakas. Sobrang sakit pa ng ulo niya dahil sa hindi siya sanay uminom ng alak. Napagod at sumakit ang katawan niya sa ginawa nila ni Gabriel. “Sinungaling. Galing ako r’on, wala kas sa kwarto ko.” “Ahm ano. . . sa ano. . . baka nung pumunta ka ro’n, pumunta naman ako dito. Nagkasalisi tayo. . .” “Ah talaga ba? Ganun?” sarkastikong tanong ni Tina. Halata naman kasing nagsisinungaling lang si Addie. “Oo, ganun lang ‘yun.” “So, pati si Senyorito Simon nagkasalisi kayo?” Natigilan si Addie nang marinig ang pangalan ni Simon. “Kinatok ka pa ni Senyorito dito para lang i-check kung nandito ka. Nakaka-inis nga eh kasi nung ako yung bumungad sa kanya, napasimangot siya. For sure, inaasahan niyang ikaw ang makikita niya, doble ang dismaya niya nang makita ang mukha ko,” mahabang litanya ni Tina. Hindi siya sinagot ni Addie. Ayaw niya na dagdagan ang mga kasinungalingan niya. Hahayaan na lang niya si Tina na isipin kung ano ang gusto nitong isipin. Pero sadyang makulit si Tina. Hindi siya tatantanan nito hanggang hindi niya kinukwento kung ano ang nangyari kagabi. “Come on, Beshy. Magkwento ka na. Huling huli ka na. Sa kwarto ni Senyorito Gabriel ka natulog ‘di ba? Huwag mong sabihin na kinagat ka lang ng dinosaur kaya ang dami mong chikinini.” Napabilog ang bibig ni Addie nang maalalang tinadtad nga pala siya ng kissmark ni Gabriel. Wala na siyang lusot. “Tina, bahala ka sa anong gusto mong isipin. patulugin mo muna ako. Inaantok pa ko.” “Aminin mo muna. Addie, aminin mo na kasi. Anong relasyon niyo ni Senyorito? Naging kayo ba? O my gosh. Dalawang taon na tayong mag-beshy, ni hindi mo man lang nakwento na naging jowa mo pala ang panganay ng Don–” “Naging kami,” sabat ni Addie para manahimik na si Tina. Nakakirita na kasi ang ingay nito at hindi siya tatantanan hanggat hindi siya umaamin. “Oh my gosh! Aaahhh!” Tili ni Tinay sa tuwa. Napa Tinakpan pa niya ang kanyang bibig dahil maaga pa at natutulog pa ang ibang katiwala, lalo ngayon na kakadaos lang nila ng isang malaking party kahapon, lahat ay pagod. “Pero wala na kami” dagdag pa ni Addie. Sana tumahimik na si Tina at patulugin na siya. Pero sadyang may pagka tsismosa ang kaibigan niya at lalo itong naging curious at excited. “Bakit kayo nag break? Nag-usap kayo kagabi? Nagbalikan na kayo? Nag sx kayo? Malaki ba?” “Cristina!” saway ni Addie. “Adriana, nagtatanong lang naman ako. Ang sure lang ako eh, nasarapan ka. Ang lakas ng ungol mo eh–” “Cristina!” Mas malakas ang boses ni Addie. Nakakahiya pala kagabi. “Matulog ka na.” “Sige na nga, papatulugin muna kita. Pero pag-gising mo, humanda ka na. My gosh, Addie. Kaya pala hindi mo kayang mahalin si Senyorito Simon kahit na sobrang bait, sobrang gwapo, at sobrang mahal na mahal ka. Hindi mo pala malimot ang ex mo. In fairness naman sa panganay na senyorito, kung 'di lang sana siya naging suplado, sobrang perfect niya na. Gwapo, mayaman, daks, 'yun lang talaga antipatiko–” Pumikit na si Addie at wala na siyang pakialam kung ayaw tumigil ni Tina. Nakatulugan niya na lang ang pinagsasabi nito. = = = = = = = = = = Nang magising si Addie, mataas na ang sikat ng araw. Dali-dali siyang nag-ayos ng sarili- naligo, ginupit niya un kanyang napakagandang buhok, mahaba hanggang bewang, shining black at tuwid. Ginupit niya ito hanggang balikat. Na tanghali siya ng gising, napa- sarap ang kanyang tulog. Mabuti na lang at hinayaan siya ni Nanang Eva na magising ng tanghali. Malamang ay alam naman nito ang kababalaghang ginawa nila ni Gabriel kagabi. Hindi naman lingin sa kaalaman nito na may namamagitan sa kanila ng senyorito. Habang sinusuot ni Addie ang uniporme, nakita niya sa salamin ang pulang markang iniwan ni Gabriel sa leeg at dibdib niya. Sa Kamalas- malasan ay ngayon pa naubos ang kanyang concealer at foundation. Nag suot na lang siya ng panloob na turtleneck. Awkward man dahil summer, mas maigi na itong pantakip kaysa naman ipakita niya sa lahat ang kanyang kissmarks. Bahala na. Habang tinitignan ni Addie ang sarili sa salamin, bigla niyang naalala ang sinabi ni Gabriel. Isa pa rin siyang muchacha. Gabriel used to be a polite, respectful gentleman, hinding hindi niya kayang sabihin iyon sa sinoman, lalo pa kaya sa kanya. Pero nagbago na talaga ito. Kung alam lang ni Gabriel ang lahat... kung alam lang nito ang tunay na dahilan kung bakit, sa kabila ng lahat ng oportunidad- isang Summa Cm Laude, matalino, masipag, at matiyaga ay mas pinili pa rin niyang manatili bilang isang simpleng muchacha. Pero paano nito malalaman, kung sa mismong panahong kailangan niya ito, ay siya namang bigla nitong paglayo? Bakit siya iniwan sa panahong higit na kailangan niya ito? Ano bang nangyari kay Gabriel five years ago? At anong nangyari sa kanya sa Ioob ng limang taon na ‘yun? ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD