CHAPTER 15

1547 Words
We spent our day teasing each other. Hindi naman ganoon kalanding kasama si Akiera dahil kahit papaano ay nakikipag-usap siya sa akin ng matino. Inaasar ko rin siya ngayon dahil baka totoo ngang nabuntis niya iyong nakita kong nakahalikan niya noon. Ano’ng malay ko, baka bukod sa kiss ay may ginawa na rin sila kaya ganoon na lang siyang pagbintangan na siya ang tatay ng dinadala ng babae. “Stop it, Aster. Wala akong nabuntis na kahit sino,” naaasar niyang wika kaya natawa ako. Kanina pa kami rito sa Café at kung ano-ano na rin ang na-order naming pastry and coffee. Feeling ko nga ay hindi malulugi sa amin ang may-ari dahil galante ang kasama kong gumastos para may mangata kami habang nag-uusap. “Hindi mo sure, Aki,” dagdag ko pa. “Juggo sipni?” seryosong anito na mas lalo kong ikinatawa. (Translation: Do you want to die?) “Hal su issdamyeon haebwa, Jagi” bahagya kong tinagilid ang ulo ko at dinilaan ang ibabang labi. (Translation: Do it if you can, Darling.) Napamaang siya at mangha akong tinignan. Akala niya ay hindi ko siya maiintindihan. Noong dinala kami ni Sir Val sa Korea para mag-training ay nag-aral na rin kami kung paano magsalita sa kanilang lenggwahe. Medyo matagal din kasi kaming nalagi roon. “Daebak!” “Small na bagay,” pagmamayabang ko kaya pareho kaming natawa. Nang maghapon na ay inihatid ako ni Akiera sa condo ko at nag-taxi na lang siya pauwi. Hindi nga dapat ako magpapahatid pero nagpumilit siya dahil natural lang iyon sa magkasintahan. Kahit daw fake lang ang relationship namin ay mas mapapanatag daw siya kung sigurado siyang ligtas akong nakauwi. “Thanks for today, Akiera,” nakangiti kong sabi at kinaway ang kamay nang makapok na ako sa aking condo. Nanatili lang siya sa labas at parang may hinihintay kaya nagtatanong ko siyang tinignan. Sumimangot siya at umiling. “Wala, sige na. Alis na ako,” pagpapaalam niya at naglakad na. Kibit-balikat kong sinara ang pinto at naglakad na patungong sala. Wala akong ibang ginawa sa sumunod na oras. Nakipagtitigan lang ako sa puting kisame sa sala ng bahay. Nang mabagot ay kinuha ko ang Cellphone ko upang pakinggan kung mayroon bang ibang gagawin si Akiera. I know it isn’t good, but I need to do it. Dahil sa mission ko ay pati privacy ni Akiera ay pinakikialaman ko na. “Gang fight tomorrow, mga gago,” sabi ng kung sino. Napailing na lang ako at naghanda para makauwi sa bahay namin nina ate. Naririnig ko ang boses ni Garnet kaya ayos lang kung pupunta ako sa bahay. “Oscar na naman? Boring pre!” “Tanga, baka nga isang pitik lang sa’yo no’n, Hades, tumba ka na eh.” “Pre, batak yata sa gym ‘tong nilalait mo.” “Kadiri ka uy, baka nga nang-chi-chicks ka lang, eh.” “Huwag ako, Benjamin. May bebe na ‘ko.” “Whoa! Akiera Hades, magseseryoso sa babae? Baka fling lang ‘yan?” “Utot mo blue, Cali.” Nakakahiya naman sa mga ‘to, napili pa talaga nila akong pag-usapan. Ako tuloy ang nahihiya kahit hindi naman nila alam na nakikinig ako. Bakit kasi sinabi pa ng kumag na ‘yon ang tungkol sa amin! Hindi man lang dinadagdag na nag-pre-pretend lang kami. “Hindi niyo kasi kaya ‘yon. Buti pa kami ni Aster, lumayag na.” “Aster pala, huh. Ma-search nga!” “Hoy, Gago! Search lang, ah? Walang ahasan.” “Ang bilis mo, pare!” “Ako lang ‘to, Noah.” Nang wala na akong makuhang mahalagang impormasyon ay tinigil ko na lang ang pakikinig sa usapan nila. Kahit ako lang naman mag-isa ay na-a-awkward ako. Nang matapos ako sa pag-aayos ay umalis na ako. Hindi naman gaanong malayo ang bahay namin kaya nakarating din ako kaagad. Pinagbuksan ako ni ate Levine ng gate dahil hindi naman ‘to automatic. Iba ang kulay ng kaniyang buhok kaya mabilis ko iyong napansin at napuna. “Wow, Ate, first time mong magpakulay ah?” ani ko nang makababa. “Tss, babalik ko rin ‘to sa dati kapag tapos na ang mission,” inirapan pa niya ako at nauna nang pumasok sa bahay. Natatawang sumunod ako at kinawit ang braso sa kaniyang braso. Hindi naman niya inalis iyon kaya lalo akong natuwa. Nasa mood ang ate ko ah. “Bakit ka nandito?” “Kasi, ate, may gang fight ang mga project natin with their gangs. Let’s ruin it?” Tinaas-baba ko pa ang kilay ko at napailing naman siya. Dumiretso siya sa kusina at dahil nakakawit ako sa kaniya ay napasunod ako. “Of course, Kiara. That’s our job.” Bumitaw ako sa kaniya at pumapalakpak na tumalon. Bukas ko na lang sasabihin kay ate Cyhael ang tungkol dito dahil sa pagkakaalala ko ay ganitong oras siya nag-aasikaso para sa trabaho. “Ikaw nagluto?” Mamamangha na sana ako sa nakikita ko pero nang maalala kong kung hindi si ate Cyhael ang nakakasunog sa kusina namin ay siya naman. Ngumiwi ako at humarap sa kaniya. “In-order ko lang ‘yan. Safe ang kusina mo,” tugon nito at napanguso. “Aba, ate Levine, dapat lang!” Nakapameywang na sagot ko. “Bakit ka pala nandito? Hindi mo pa natatago kung jowabels ni Garnet?” “Ngayon pa lang sana kaso dumating ka.” “Oww,” napa-peace sign ako at umupo sa lagi kong inuupuan. Sumunod naman siya at inalok akong kumain. Medyo marami-rami naman ang in-order niya dahil mukhang paabutin niya pa iyon kinabukasan. Hindi na ako pumalag dahil nang makita ang pagkain ay kumalam na ang sikmura ko. “Kumusta ka naman sa bago mong condo?” “Okay lang naman, Ate. Hindi pa gaanong nakakapag-adjust pero I’m good.” “Malinis naman ba?” Nakataas ang kilay na aniya. Tumango lang ako nang magsimula akong kainin ang friend chicken. “How about the incident in your studio? Napanood ko sa TV, ‘yon kagabi.” Napabuntong-hininga ako nang maalala ang sinapit ng mga kasamahan ko. “Ayun, hindi pa rin nahahanap ang salarin kaya na-postponed ang ilang practice nila.” “Kung pwede kang lumayo, ay lumayo ka, Kiara.” Seryosong saad niya. “Hindi naman kaya ng kalooban ko ‘yon. Tsaka nasabi ko na rin naman kay Sir Val iyon dahil pinaghihinalaan ko si Akiera Hades, ‘yong pinsan nila Garnet.” “Paano naman siya nasama sa kwento?” “Siya iyong Aki na naikwento ko sa inyo noon,” sagot ko. Napatango-tango siya nang maalala ang tinutukoy ko. “You know, I can’t take if you and Cyhael got in danger. Siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak sa kung ano mang plano mo.” Levine’s voice has a hint of warning. Bahagya akong napangiwi pero tumango pa rin ako kahit hindi ako sigurado. May nabubuo ng plano sa utak ko. Hindi ko pa naman iyon sineseryoso dahil masyado iyong delikado. “Gagawin ko ang best ko, ate Levine,” sabi ko na lang. We spent the night sipping our coffee while talking. Nasa veranda kami dahil sa maayos na panahon kaya gusto naming panoorin ang mga bituin sa itaas. “Just want to share the progress of my mission, Ate,” ani ko. Nakita ko mula sa peripheral vision ang pagtango niya kaya nagtuloy ako sa sasabihin ko. “We are now in a relationship…” napakagat ako sa labi ko at huminga muna bago idugtong ang bubuo sa sasabihin ko. “A fake one, to be exact.” “It’s okay as long as hindi ka masyadong ma-a-attach sa kaniya.” “Well, I’m not sure kung tama ang desisyon kong pumayag sa kaniya. I’m starting to like him,” pag-amin ko. Naramdaman ko ang pagbaling niya sa akin. Dahil na rin sa hiya ay hindi ko nagantihan ang kaniyang tingin. “Wala naman sa contract na hindi tayo pwedeng magkagusto sa kanila pero sana iiwas mo pa rin ang sarili mo. Trabaho lang ‘to, Kiara.” Iyon ang isa sa masakit na narinig ko mula kay ate Levine. Alam ko naman ‘yon. May pader na akong binuo sa puso ko at hindi ako sigurado kung kailan iyon guguho. First time ko pa lang na nakita si Akiera ay na-attract na ako sa kaniya. Noong una ay hindi naman iyon ganoon katibay pero dahil nagkakasama na kami ng madalas noon at lalo na ngayon ay medyo nabibitak ang pundasyon ko. “Titibayan ko ang loob ko lalo na’t pinaghihinalaan kong siya ang pumatay sa mga kasamahan namin. I guess, hindi ko kaya kung mas mahuhulog pa ako sa kaniya.” “Mas mag-ingat ka kung ganoon, Kiara. Don’t let your guard down. Baka ginawa ka niyang girlfriend para magawa niya ang pakay sa’yo kung totoo nga ang hinala mo.” Kinilabutan ako sa narinig ko sa kaniya. Praning na naman ako. Hindi naman maiiwasan iyon lalo na’t wala pa akong evidence na hindi nga siya ang killer o siya nga. Mas kailangan kong lawakan ang pag-iisip ko at bilisan ang pag-iimbestiga ng patago. Kung kailangang paikutin ko si Akiera ay gagawin ko para mapaamin siya. Ako mismo ang magpapakulong sa’yo, Akiera, kung tama ang lahat ng hinala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD