CHAPTER 14

1492 Words
“You don’t like cucumber?” Tanong ko nang mapansing hinihiwalay niya iyon sa kaniyang in-order na bibimbap. “It taste nothing. Ano’ng sense ng pagkain no’n?” ngumiwi siya at muling pinagpatuloy ang ginagawa. Umiling ako at kinuha ang mga pipino sa platito. Mahilig ako ro’n at kung hindi naman pala niya kakainin ay ako na lang. Hindi pa masasayang ang pagkain at ang pinangbili. “Hey,” sita niya at nilayo ng kaunti ang platito. “Akin na lang,” nakanguso kong sabi at mas nilapit ang sarili para maabot. Napangiti ako nang ilapit niya sa akin iyon at nagtuloy-tuloy na ang pagkain ko. After we ate, inaya niya akong magkape sa isang Café na hindi kalayuan sa Mall. It’s an over looking café so I willingly nod for my approval. Hawak kamay na naman kaming naglakad. Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil hindi makatarungan ang kagwapuhan ng kasama ko. Hindi ko alam kung mukha kaming couple dahil sa liit ko’y para na akong kapatid niya. Binalewala ko na lang ang mga tingin nila. Hindi ko alam kung anong trip sa akin ni Akiera pero for the sake of my mission ay hahayaan ko siya sa kung ano’ng gusto niya. Pumasok na kami sa Café at napangiti ako nang imwestra ng isang waiter ang taas. Aki reserved a sit na pala dahil na rin sa regulations ng café. Ako ang unang pinaupo ni Aki at siya na rin ang nagsabi sa waiter ng order namin. Nag-request lang ako ng frappuccino dahil kakakain lang naman namin. “By the way, Aki, ano pala iyong tinutukoy mong proposal?” Tanong ko nang maalala ang sinabi niya kanina. He, again, looked at me playfully. Mukhang sa ganoong tingin pa lang ay hindi ko na magugustuhan pa ang lalabas sa kaniyang bibig. This guy, he looks mysteriously handsome but the way he talked to me, it fulls of naughty. “Be my girlfriend, Aster.” I blinked, and my lips dropped. Seryoso ang pagkakasabi niya pero iba naman ang pinapakita ng kaniyang mukha. The way his eyes glistened, I find it adorable, but his smirk gives me false hope. Alam kong malandi ang lalaking ‘to. Ilang linggo ko siyang minanmanan. And those days ay hindi siya naubusan ng babae. Iba-iba na parang isang bagay lang sa kaniya ang kaniyang ginagawang pagpapalit. I’m attracted to him, okay, I can’t deny that. Sino ba namang hindi? “Naubusan ka na ng girls, Aki?” Humalukipkip ako at nagpandekwatro. I slightly raised my left brow and looked at him. Nilabanan niya ng mas maintensidad ang tingin sa akin kaya medyo nakaramdam ako ng kilabot. Pinanatili ko ang katarayan sa mukha ko at hindi pinahalata ang pagbabago sa aking emosyon. “Wala akong ibang babae, Aster,” pagtatanggol niya sa sarili na tinawanan ko lang. “Talaga lang, huh,” nakangisi kong nilagay ang dalawang siko sa lamesa at pinaghawak ang mga kamay. Dinantay ko roon ang baba ko at malokong tumingin sa kaniya. “You know, I will not believe in you, Aki. Noong magkita ulit tayo ay sa pagkakatanda ko ay may kahalikan ka,” tudyo ko at kinagat ang ibabang labi para mapigilan ang matawa. Nanlaki ang kaniyang mga mata at dedepensa na sana nang makita ang itsura ko’y sumuko agad siya. Akala niya ata ay hindi ko siya nakita. Well, Aki, FYI, hindi naalis sa inyo ng babae mo ang mga mata ko. Even though I’m not comfortable at that moment, tiniis ko. “Wala lang ‘yon!” sa wakas ay depensa niya. “Wala lang pero naghalikan. Okay lang naman, hindi naman tayo eh,” nagkibit balikat na lang ako. Natahimik na kaming pareho nang dumating ang order namin. Kinuha ko kaagad ang frappe at agad itong ininom para mabaling sa iba ang atensiyon ko. Nagpaalam si Aki na mag-C-CR kaya tumango ako. Tatayo na sana ako para tignan ang tanawin nang mahagip ng mga mata ko ang cellphone ni Aki. Tumingin naman ako kung saan siya nagpunta at nang hindi na siya matanaw ay kinuha ko ang cellphone niya. “Walang password,” mahinang ani ko nang mabuksan ang kaniyang phone. I downloaded a spy voice on his phone. Tinago ko rin ito sa ibang app niyang naka-folder na sa tingin ko’y hindi naman niya palaging nabubuksan. Nang matapos ay binalik ko iyon sa dating pwesto at tumayo nang makita kong papalapit na siya. Hawak-hawak ko ang frappe habang pinagmamasdan ang napakaraming puno sa baba. May mga huni ng ibon akong naririnig na mas nagpaganda sa nakikita at naririnig ko. “Do you like it?” Tukoy niya sa tawanin. Nakangiting tumango ako at binaling sa kaniya ang atensyon nang tumabi siya sa akin. Kinuha niya ang frappe sa kamay ko at nilapag sa lamesa namin. Hinapit niya ang bewang ko palapit sa kaniya at tinignan ako diretso sa mga mata. “Be my girlfriend, Baby, hmm?” namamaos ang boses na aniya. I stayed quiet. Ano bang dapat sabihin ko sa kaniya? Wala namang problema sa akin kung sasagot ako ng oo ang kaso lang ay baka masira no’n ang mission ko. Hindi ba mas okay ‘yon, Kiara? Kapag naging kayo ay mas mababantayan mo siya. Pwede mo rin siyang pagbawalan sa pakikipag-away. Baka naman magmukha ako no’ng ina-under ko siya? “You have all the rights to say anything that you won’t like me to do, Aster. Basta pumayag kang maging girlfriend kita,” sabi pa niya kaya mas lalo akong nag-isip ng isasagot. “Why do you like me to be your girlfriend, Aki?” “Okay, para mas malinaw sa’yo at pumayag ka. We will just going to pretend. Nagagalit na ang Mommy ko dahil pati roon ay may pumupuntang mga babae at sinasabing nabuntis ko sila. Kapag may pinakilala akong girlfriend, sure akong titigil na sila. Deal?” Tugon niya. Napangiwi ako at bahagyang lumayo sa kaniya. Pretend lang daw. Napanguso ako dahil akala ko ay gusto niya ako. Umamin siya dati, ah? Pero isang taon na ang nakakalipas no’n. Baka hindi rin ‘yon totoo kaya ano pa bang aasahan ko? “Hmm, Baby?” panlalambing niya at dumikit sa akin. Marupok na Kiara mode, on. Oh my God! Pretend lang naman eh. Tsaka feeling ko naman ay mas makakatulong iyon sa mission ko. Mas makikilala ko siya at hindi ako mahihiyang magtanong ng kung ano tungkol sa kaniya. May benefit pa rin naman akong mapapala sa kalokohan niya eh. “Okay,” tanging saad ko at umiwas ng tingin. Naging matunog ang pagngisi niya kaya napanguso ako. I find it hot! “Hindi ko alam kung hanggang kalian ‘tong deal natin,” dagdag niya pa at binalik ang mga kamay sa aking bewang. “I-a-update naman kita.” Tanging tango lang ang naging tugon ko sa kaniya. Nakaiwas lang ako ng tingin sa kaniya dahil nahihiya ako. First boyfriend ko si Akiera pero hindi naman totoo iyon kaya hindi ko alam kung isasama ko siya sa bilang ng magiging boyfriend ko. “Lumayo ka naman ng konti,” napanguso ako dahil ang katawan namin ay hindi na nalagyan ng espasyo. Hindi niya ako pinakinggan. Mas lalo niyang dinikit ang katawan namin kaya mas lalo akong nakaramdam ng hiya. We’re on a public place! Nagpapanggap lang naman kami pero grabe siya kung makadikit. “Akiera, nasa labas tayo,” sita ko na naman na tawa lang ang nakuha kong sagot. Napayuko na lang ako nang mapansin ang tingin sa amin ng ibang taong nasa café. Kahit iyong mga bagong dating ay sa amin napapako ang atensiyon. Sumandal si Akiera sa railings at hinigit pa ako para maidikit sa kaniya. Maling desisyon yata ang pumayag sa gagong ‘to. Napaka-touchy! “Bitawan mo na ako, Aki,” pakikiusap ko ulit. “No, baby,” umiling-iling siya at pinikit ang mga mata. Napatitig ako ng ilang segundo sa mukha niya. I wrinkled my nose when I realize that ‘his’ is much perfect than mine. Maganda naman ang maliit kong ilong pero nakaka-concious dahil gusto ko ang tangos ng ilong ni Akiera. His brow and lashes are thick, bagay na bagay sa mapanga niyang mukha. Mas mapula rin siguro nag labi ni Akiera sa akin at ang lambot no’n tignan. Wala bang kapintasan ang itsura ng lalaking ‘to? Wala man lang akong mapuna! My heart was beating so fast when I looked again at his open eyes. Nadagdagan ang kinang no’n nang tumama ang ilaw mula sa labas. “Ang ganda ng mga mata mo,” puri ko nang mas matitigan pa ito. His eyes are color brown. Natural na kulay iyon pero mukha siyang may suot na contact lenses. “Mas maganda ka, ‘wag kang papatalo,” sagot niya. Natawa ako at hinampas ang dibdib niya. Nang maramdaman kong hindi na masikip ang pagkakahawak niya sa akin ay humiwalay ako at lumayo kaagad sa kaniya. “Tama na ang t’yansing.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD