CHAPTER 13

1508 Words
Huli ko nang napansin na nag-reply pala si Akiera kagabi. He wants us to meet at a nearby mall. Kumaripas tuloy ako ng takbo papunta sa kwarto ko dahil alas otso ng umaga siya nakikipagkita. It’s already 7:30, late na ako! Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para bilisan ang kilos pero bigo pa rin akong lumabas ng unit ko. To my surprise, Akiera is comfortably leaning on the wall. Nakapasok pa ang dalawang kamay niya sa kaniyang bulsa. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang mapagmasdan ang kabuuan niya. He’s wearing a statement shirt paired with a black pants. He’s white shoes gives more impact to this guy in front of me. Ang gwapo niya ngayon kahit pa messy ang kaniyang buhok. And I find him hot! Oh my God! “Hindi ka nag-reply sa text ko,” kunot-noong aniya at umayos ng tayo. I sincerely looked at him and slightly scratched the side of my face. “I’m sorry, kanina ko lang umaga nabasa kaya nagmadali kaagad akong kumilos.” “Let’s go!” Then he intertwined our hands. “Hala,” biglang reaksyon ko at bahagyang hinala ang kamay. Mas lalong naglapit ang kaniyang makapal na kilay dahil sa ginawa ko. What? Makakapaglakad naman ako nang hindi nakahawak ang kamay sa kaniya. “If you want me to forgive you, hayaan mo ako sa lahat ng gagawin ko. It’s just a holding hands, Aster,” mariing sabi niya at hinigit na ako. “We’re not mag-jowa, why naman ganito?” bulong ko. “Edi girlfriend na kita, dali-dali eh,” nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya. Bulong na nga narinig pa niya. Nakakahiya! “I’m not saying anything!” Depensa ko. Ngumisi lang siya at tinulak na ako papasok sa elevator. Napanguso na lang ako nang tignan niya ako ng nang-aasar. Nawala na ang seryoso sa mukha niya. He teasingly smirk and put his other hand at the top of my head. Kami lang dalawa ang nasa loob ng elevator kaya hindi ko maiwasang mailang lalo na’t mukhang delikado ang lalaking ‘to. “Doon din naman patungo ang pag-uusap natin ngayon, Aster. Bakit patatagalin ko pa?” Tudyo niya at dahan-dahang binaba ang kamay sa aking pisngi. My cheeks are hot! Baka ma-feel na ‘yon, nakakahiya lalo. “Ano’ng pinagsasabi mo riyan,” nakaiwas ang tingin na ani ko. Milyong-milyong bultahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko nang paglandasin niya ang kaniyang mga daliri sa mukha ko at pinirmi sa aking baba. He lifted my chin. Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya kaya nanlaki ang mga mata kong bumaling sa kaniya. “What are you d-doing?” napalunok ako at parang nahipnotismo dahil hindi ko na naalis ang tingin sa kaniyang mga mata. “Ano nga bang ginagawa ko, Aster,” tukso niya. Bumaba ang kaniyang tingin sa nakaawang kong labi kaya mas lalo kong naramdaman ang init sa pisngi ko. Swear to God, pulang-pula na ang mukha ko at parang nagugustuhan pa iyon ni Akiera. “I wonder what your lips taste? Patikim, hmm?” Buong lakas kong tinulak si Akiera nang biglang bumukas ang pinto ng elevator. Akala ko’y nasa basement na kami pero nang tignan ko ang labas ang may mga naghahagikhikang teenager ang papasok na sa loob. Hindi ko alam kung nakita nila kami pero sobrang kabado pa rin ako sa mga oras na ‘to. Hindi nawala ang tingin sa akin ni Akiera kaya lalo akong nakaramdam ng hiya. “Hulaan natin kung ano’ng ginawa nila,” bulong ng isa at pasimple kaming tinignan ni Akiera. Nang magtagpo ang mga mata namin ng nagsalita ay umiwas lang ito ng tingin pero ang ngisi ay kumurba na sa kaniyang labi. Nagkukurutan ang mga teenager na nasa harapan namin kaya napayuko na lang ako. I gasp for more air. Pinuno ko ng hangin ang baga ko at marahang binuga. Ilang beses kong nakagat ang ibabang labi ko bago pa kami makarating sa tamang palapag. “Excuse us, dadaan kami ng reyna ko,” pinanlakihan ko ng mga mata si Akiera nang walang habas niya iyong sinabi. Nagtilian ang mga ito at naghampasan pa bago tumabi para makaraan kami. I shyly smiled at them when their eyes are locked at me, teasingly. “What the hell, Aki!” Pagalit kong anas nang makarating na kami sa tapat ng kotse ko. Well, obviously, hindi pa rin naibabalik ang mga sasakyan nila dahil kinuha lahat iyon ni Sir Val. Gusto ni Sir na magtanda ang mga ito pero kahit naman kunin nila ang sasakyan ay nakakagawa pa rin sila ng paraan. “Ang sungit mo naman?” patanong na aniya. Inirapan ko na lang siya at tumalikod na para makasakay sa kotse. Minsan, nakakawala ng sense kausap ‘tong damuho na ito. “Baby, ‘pag tumingin ka hulog ka,” bago pa niya matapos ang sinabi niya ay tumingin na ako sa kaniya at ganoon na lang ang pag-awang ng labi ko nang makitang nakahubad na ang pang-itaas niyang damit. “See? Hulog nga,” tumatawang saad niya at tinaas ang baba ko para maitikom ang aking bibig. “Tang-ina…” “Bakit parang ang sarap marinig ng mura mo habang nasa kama tayo?” Nagulo ko ang buhok ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Hindi pa nga kami nakakaalis ay kung ano-ano nang lumabas sa kaniyang makasalanang bibig. Napakalandi ng gagong ‘to! “You are making me feel shy, Akiera.” Malumanay kong sabi at tinalikuran na siya. Hindi ko alam kung sino sa amin ang magmamaneho pero dahil kotse ko ‘to ay sa driver’s seat ako dumiretso. Narinig ko ang pagtawa niya at naramdaman ang kaniyang paglapit. “Ako na,” tukoy niya sa pagmamaneho kaya tumango na ako. Nawalan na siguro ako ng lakas na kausapin siya dahil sa kaiyang pinaggagagawa. Dumagdag pa ang bilis ng t***k ng puso ko habang kusang nag-re-replay sa utak ko ang katawan niya. I can’t lie. Mas sexy pa ata ang isang ‘yon sa akin. Nang pareho na kami makasakay ay nakabihis na ulit siya. Bumuntong hininga na lang ako at tumingin sa labas. Maski ang tignan siya ay nakakapanghina na ng loob. Nababaliw na yata ako. “About your accusation to me yesterday. To make you feel light, kasama ko ang mga pinsan ko sa mga araw na ‘yon. Nang hindi ka na sumisipot sa studio ay hindi na rin ako nagpupunta ro’n. Hindi naman ako interesado sa ballet kung hindi kita makaka-partner. You can ask them kung nakukulangan ka pa sa alibi ko.” Para akong nabunutan ng tinik nang marinig ang mahaba niyang sinabi. Okay, I’m still not convince pero hindi ko na lang iyon pinahalata. “I’m sorry, Akiera.” Tanging nasabi ko. I need to know you more. Hangga’t hindi kumbinsido ang kalooban ko ay mas pagbubutihan ko ang pagkilala sa buong pagkatao mo. Baka ikaw pa ang maging dahilan para malaman ko kung sino nga ang pumatay kina kuya Kian. “I accept your apologies but you need to say yes to my proposal,” aniyang nakatutok ang atensyon sa daan. “What is it?” “Later,” tugon niyang mabilis na bumaling sa akin at kumindat pa. Humalukipkip na lang ako at binusog ang mga mata sa naglalakihang building na nadadaanan namin. Naging tahimik ang pagitan namin. Hindi na ako nag-abalang mangulit dahil baka kung ano na naman ang lumabas sa kaniyang bibig. A few more minutes ay swabe niyang p-in-ark ang kotse at sabay rin kaming bumaba. Hinawakan na naman niya ang kamay ko habang naglalakad kami papasok sa mall. “Where do you want to eat, Aster?” Napaisip naman ako. Mukhang may hangover pa ako dahil sa ginawa kong pag-inom kagabi kaya nag-ke-crave ako sa mainit na sabaw. Nang makakita ako ng Ramen House ay hindi na naalis pa roon ang mga mata ko. Narinig ako ang tawa ni Akiera at hinigit na ako palapit roon. Binati kami ng waitress nang pumasok kami sa loob at dinala sa pangdalawang lamesa. Nang makuha ang orders namin ay kaming dalawa na lang ang naiwan dahil medyo malayo ang pwesto ng ilang kumakain dito. “Nasaan ka noong gh-in-ost mo ako. Aster?” Pagbubukas niya ng topic. Napataas ang dalawang kilay ko sa hindi inaasahang tanong niya sa akin. Hindi agad ako nakasagot kaya kumunot ang kaniyang noo. “I’m in Colombia,” napakagat ako sa labi ko nang mas naging atentibo ang tingin niya sa akin. “And?” “Doon lang.” “Ano’ng ginawa mo ro’n at umabot ka ng taon?” Hinawi ko ang buhok ko at nilabanan ang kaniyang tingin. “Nagbakasyon,” simpleng tugon ko at uminom ng tubig. Bahagya siyang natawa at umiling pa. Hindi ko alam kung ano’ng ibig sabihin no’n pero hindi na ako nagtanong. Hinayaan kong titigan niya ako at hindi na nagpakita pa ng kahit anong emosyon. Dahil sa mission kaya ako nagtagal roon, Aki, at hindi ko pwedeng sabihin ‘yon sa’yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD