CHAPTER 12

1238 Words
Aki went and guided me to sit on a long sofa. Niluhod niya ang isa niyang tuhod para magkapantay ang tingin namin. Masuyo niyang hinawi ang buhok kong humarang na sa mukha ko nang sabutan ko ang sarili. “Ginagawa na lahat ng mga pulis, Aster. Nandito naman ako, hindi kita pababayaan,” pangungumbinsi niya. Hindi naman ako natatakot para sa sarili ko. Kaya kong lumaban. “Sino pa ‘yong ibang pinatay?” Tanong ko nang maalalang pangatlo na ito. Oh God! Bukod kay kuya Kian ay mayroon pa palang nabiktima! Ano na bang nangyayari sa mundo! “Yuna died almost six months ago,” tugon ni Akiera. Napapikit ako at malalim na huminga. ‘Yong una ay si kuya Kian, sunod si Yuna at Hannah. Ano’ng motibo ng killer na iyon para patayin sila? I remember Yuna and Hannah is kind. Wala silang nakaaway sa kahit na sino sa amin. Maski nga ang pagpaparinig sa kanila ay hindi nila pinapansin dahil alam kong ginagawa nila ang best nila para makasunod sa sayaw. Wala akong maisip na posibleng gagawin ang bagay na ito dahil hindi ko naman sila nakakasama madalas. Palagi rin akong nawawala kapag may mission kami kaya hindi ako nabibigyan ng panahon para makilala sila ng husto. “Nasaan ka noong mga oras na ‘yon, Aki?” Hindi ko na napigilan pang pagdudahan siya. He’s a well-known gangster! Ano’ng malay ko kung siya pala ang pumapatay?! Siguro kaya namin sila naging mission dahil ganito na pala ang ginagawa nila. Hindi lang sila basta- bastang nakikipag-gang fight! Pumapatay na rin sila! I need to talk to Sir Val. “Pinaghihinalaan mo ba ako?” Walang emosyong aniya at tumayo. I can’t help it! Hindi ko naman siya kilala. “Bakit? You are a gangster!” Umiling-iling siya at lalabas na sana ng condo unit ko. Narinig ko ang buntong-hininga niya bago siya humarap sa akin at titigan ako ng mariin. “Ano pa bang aasahan ko sa’yo? Ghoster ka na nga, namimintang ka pa.” Inirapan niya ako at padabog na lumabas sa unit ko. Napasandal na lang ako sa inuupuan ko at pinikit ang mga mata. Hindi ko siya masisisi kung magagalit siya sa akin nang ganoon. Hindi ko lang talaga mapigilang magsalita nang ganoon dahil kilala nga siyang gangster. Sabi niya noon sa pulis, hindi raw sila ganoong trumabaho. Paano kung sinabi niya lang iyon para malinlang ang mga tao. Ako ang naunang umalis sa kaniya noong mamatay si kuya Kian. Baka bumalik siya at ginawa na ang krimen! Mababaliw na yata ako! Hinanap ko sa bag pack ang cellphone na hindi ko napansing nailapag ko pala sa tabi ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Sir Val na pinaghihinalaan ko ang pamangkin niyang pumapatay ng kasamahan namin sa ballerina. “Hello, Agent Arai!” Bati ni Sir Val nang sagutin niya ang tawag ko. Ilang beses ko pang kinumbinsi ang sarili ko na sabihin na kay Sir ang tungkol kay Akiera. Wala akong kahit anong evidence pero dahil sa lakas ng kutob ko ay naglakas loob na akong magsabi. “I think Akiera killed someone, Sir,” napabuga ako nang hininga nang sa wakas ay masabi ko. Wala akong narinig na kahit ano sa kabilang linya kaya tinignan ko ang cellphone ko kung namatay ba ang tawag. Kunot-noong binalik ko sa tenga ang cellphone at tinawag pa si Sir. “Pardon, Agent Arai?” “I’m sorry, Sir. Hindi ko lang po talaga maiwasang mag-doubt kay Aki,” napakagat ako sa labi ko at dinantay nag siko sa aking hita. “I know he’s a gangster, Hija, and if your doubting my nephew then do your best to know the truth,” mahina ngunit maawtoridad na wika ni Sir Val. “Tell me, bakit naghihinala ka?” dagdag pa niya. “A year ago po kasi may pinatay na kaparehas lang sa bagong crime ngayon. ‘Yong unang nangyari po ay parehas po kaming naaresto ni Akiera pero dahil walang sapat na evidence na kami nga po ang gumawa no’n ay pinalaya rin po kami,” pagkukwento ko. Lahat nang nangyari ay sinabi ko kay Sir Val at nauunawaan naman daw niya ako. “investigate more, Agent Arai, and don’t forget to update me.” Huling sabi ni Sir Val. Inayos ko ang mga gamit ko nang hindi pa rin nawawala sa aking isip ang nangyari. If he’s really the killer then I will bait myself. Kailangan kong maging mas malapit pa sa kaniya. I need to say sorry to him. Hindi niya dapat mahalata ang totoong pakay ko. Nang matapos ako sa pag-aayos ng gamit ay t-in-ext ko si Akiera habang nakaupo ako sa kama. Me: I’m sorry for what happened earlier, Aki. Sinandal ko ang likod ko sa headrest ng kama habang inaantay ang reply niya. It’s almost eleven in the evening. Siguro ay tulog na siya or galit pa rin kaya hindi niya nire-reply-an ang text ko. Me: Can we meet tomorrow? I want to apologize in person, Aki. Nang hindi pa rin siya nag-reply ay napabuntong-hininga na lang ako at tinabi na lang ang cellphone sa side table. Humiga ako at tumitig sa kisame. Pinasadya kong pagawan ng glow in the dark galaxy ang kisame ng kwarto ko. Simula pagkabata’y ito palagi ang nagpapagaan ng kalooban ko. When I looked at it, magically, it washed away my so many thoughts. It helps me sleep well. “You all gives a disgrace in our family! Bakit ba ako nagpakahirap na irihin kayong mga deputa kayo!” Napatakip ako sa dalawang tenga ko at pumikit ng mariin. Mama is angry again! May nagawa na naman ba ako? “Ano, Cyhael, lumalandi ka na?! Putang-ina! Wala na ngang kawenta ‘tong si Kiara, dumadagdag ka pa!” Pinigilan ako ang umiyak ng malakas. Hindi ako pwedeng marinig ni mama dahil baka saktan niya ako! Masakit pa rin ang katawan ko dahil hindi pa ako nakaka-recover sa ginawa niya sa akin noong nahuli na naman niya akong nag-practice. “Levine, pumunta ka nga dito!” sigaw na naman niya. “M-Ma, bakit po?” Nanginginig na lumapit si ate Levine. “Bihisan mo ‘yang mga kambal mo at siguraduhin mong hindi makikita ang kahit anong pasa ng mga ‘yan. Pupunta rito ang kaibigan ko at gusto niya kayong makilala!” Tumango-tango si ate Levine at hinawakan kaming pareho ni ate Cyhael. Mabagal ang lakad namin kaya nasigawan na naman kami ni Mama. Walang oras na nawala ang galit niya sa amin. Para kaming pinanganak para pagbuhatan ng kamay at sigaw-sigawan lang. “Trust me.” Nagising ako at hinawakan ang ulo ko. Hindi ko maalalang lumabas ako ng kwarto ko kagabi pero nang mapatingin ako sa maliit na lamesa sa sala ay maraming canned beer na wala ng laman. “Arg!” Ininda ko ang sakit ng ulo ko at pinilit ang sarili na tumayo. “Bakit ba ako uminom.” Nang makakuha ng tubig ay ininom ko kaagad ‘yon. “I want you to trust me no matter what I did.” Nabuga ko ang laman ng bibig ko nang maalala ang sinabi ni Akiera sa akin noong nakaraang taon. Oh my God! It’s a sign. Kailangan ko na lang ng evidence na nagsasabing siya nga ang killer! No matter what I did? Ano bang ginawa mo, Aki? May koneksyon kaya ‘yon sa mga biktima?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD