I woke up early and continued packing my things. Bumaba na rin muna ako upang matulungan at maihatid si ate Cyhael. Ngayon ang lipat niya at mamayang hapon naman ako.
Hindi ko alam kung nagsimula na ba si ate Levine dahil ang huling update niya lang sa amin ay mahihirapan daw siya dahil may girlfriend ang lalaki. Siguro’y palaging kasama ni Garnet ang kaniyang girlfriend kaya hindi makatiyempo si ate para lapitan siya.
Napatingin ako sa cellphone ko na nasa kama nang tumunog ito. Maaga pa lang kaya napakunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang text. I stand up and took my phone. Si Akiera ang nag-text kaya hindi ko maiwasang mangiti.
He seriously did what he said to me last time. Akala ko’y dahil lasing lang siya kaya ganoon siya magsalita. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang number ko. Nagulat na lang ako nang panay ang texts niya at gusto pang makipagkita.
From: Akiera
I’ll wait for you later sa condominium, Aster. See yah!
Nakangising nag-reply ako at tinapos na ang pag-iimpake. Alas diyes ng matapos ako kaya nang makaligo’y lumabas na ako ng kwarto para makapagluto. Naabutan ko si ate Levine sa sala na kausap si Aphrylle thru video call kaya kumaway muna ako bago magpunta sa kusina.
Tocino lang ang niluto ko dahil narinig kong may lakad din si ate Levine mamaya.
“Magpapanggap akong girlfriend ni Garnet. Baka hindi na rin muna ako umuwi rito kapag maayos kong naitago ang girlfriend niya,” biglang sabi ni ate Levine nang maupo siya sa tapat ko.
Naibagsak ko tuloy ang kutsara’t tinidor kaya nag-sorry ako nang sumama ang tingin niya sa akin.
“Hindi ba delikado ‘yan, Ate? Paano ka magpapanggap?”
“Aphrylle helped me. ‘Saka ilang araw ko nang ginagawa ‘yon kaya ilang beses ding nagpupunta rito si Garnet,” malumanay niyang saad.
Nagtaka ako dahil kahit kalian ay hindi ko siya nakitang iba ang itsura. Palagi kaming nagkakasalisi kaya siguro’y hindi ko alam.
“Basta mag-iingat ka,” sabi ko na lang at tumayo na.
Napatingin ako sa TV na nakabukas. May balitang pinapalabas doon kaya hindi kaagad ako nakakilos. Pamilyar ang lugar na iyon. Pamilyar ang eksena kaya napatakip ako sa bibig ko.
Hannah, my co-ballerina, is sitting on a chair in front of the vanity mirror. Her skin is pale. Kahit nakatatakpan ng puti ang mga mata niya ay kilalang-kilala ko siya.
“Ito na ang pangatlong biktima ng hindi makilalang killer. Wala pa silang makuhang kahit anong lead dahil masyadong malinis ang krimen na nangyari. Hindi pa nila nahahanap ang ginamit ng salarin kaya walang maibigay na sagot ang pulisya.”
“Oh my God!”
Mas lalo kong nadiin ang kamay sa aking bibig. Nangingilid na rin ang mga luha ko dahil hindi ko naisip noon na kumustahin ang mga kasamahan ko. Isang taon akong walang naging koneksyon sa kanila at hindi ko man lang nabalitaan na hindi pa rin pala nahuhuli ang killer.
Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang manager ko. Sa kaniya lang ako nagpaalam noon at sinabing magbabakasyon lang. Wala siyang alam sa totoong pagkatao ko dahil hindi iyon pwede sa aming mga agents.
“Who’s this?” bungad ni ate Bianca nang hindi agad ako nakapagsalita.
May naririnig akong nagkakagulo sa kabilang linya. Nasa ballet studio siguro si ate.
“It’s me, ate Bianca,” tugon ko.
“Kiara?” Hindi makapaniwalang aniya nang mabusesan ako.
“What’s happening, ate? Kakapanood ko lang po ng balita.”
“Pumunta ka na lang dito, Kiara. Ilang beses na akong nag-te-text sa’yo pero nagpalit ka pala ng number.”
Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Nagpaalam na siya dahil kakausapin daw siya ng mga pulis kaya nagmadali na akong nagpunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang lahat ng gamit ko para hindi na ako babalik dito mamaya.
Tinanguan lang ni ate Levine ang pagpapaalam ko pero hinatid niya pa rin ako sa sasakyan.
“Oh my. Kiara!” Salubong ni ate Bianca at niyakap ako.
Nang libutin ko ng tingin ang buong paligid ay may mga pulis na kinakausap ang ilang ballerina. Nakita ko rin sa ‘di kalayuan si Miss Sarah kasama ang kaniyang asawa na si Sir Francis.
“Ano na naman po ba ‘to?”
“Hannah is dead, Kiara!” humagulhol si ate Bianca kaya tinapik ko ang kaniyang balikat.
Isa si Hannah si hinahawakang ballerina ni ate Bianca kaya hindi na siya iba rito. Medyo magkasundo rin ang dalawa kaya hindi na ako magtataka kung ganito ang magiging reaksiyon ni ate.
“Same crime, ate?”
Tumango siya kaya napasinghap ako. May nilalagay na yellow warning tape ang mga pulis sa may stage. Naroon pa siguro ang mga paa ni Hannah.
“Putang-ina nang mga gumagawa nito!” paghihinagpis ni ate Bianca kaya niyakap ko siya.
Pinagtitinginan na kami pero wala naman silang magawa. Malulungkot ang mga mukha nila pero hindi ko magawang maniwala. Alam ko, isa sa kanila ang killer kaya hindi ako maniniwala sa emosyong nababasa ko sa kanilang mga mukha.
Hinatid ko muna si ate Bianca sa bahay nila nang matapos kausapin ng mga pulis ang huling nakasama ni Hannah bago mangyari ang lahat. Bigo pa rin ang mga pulis dahil lahat sila ay malilinis ang alibi.
“May problema ba?” hindi na napigilang tanong ni Akiera nang maramdaman ang pananahimik ko.
Nasa loob na kami ng elevator at lahat ng gamit ko ay siya ang may dala. Isang maliit na bag pack lang ang dala ko at pinagtalunan pa namin ‘yon kanina.
“Hannah is dead,” parang naulit lang ang sinabi ko sa kaniya noon pero sa magkaibang pangalan naman.
Mabigat ang kalooban ko dahil inabot na ng taon ay hindi pa rin nahuhuli ang killer. I know, ginagawa naman ng mga pulis ang trabaho nila pero nakukulangan ako. Parang gusto ko tuloy kausapin si Sir Val para magpatulong pero hindi naman pwedeng dalawang mission ang trabahuhin ko. Mahirap.
“Yeah, napanood ko nga sa TV,” tugon ni Akiera.
Wala na naman akong imik na lumabas sa elevator at dumiretso na lang sa condo unt. Nanginginig ang kamay ko kaya kinuha na lang ni Akiera ang susi at siya na ang nagbukas.
Pilit na ngiti ang naigawad ko sa kaniya nang paunahin niya akong pumasok sa loob.
“Natatakot ako, Akiera.”