CHAPTER 10

1518 Words
Maganda ang hotel room namin pero hindi ko magawang ma-appreciate ang lahat ng nakikita ko. Panay ang vibrate ng cellphone ko pero hindi ko magawang sagutin iyon dahil kasama ko ang mga kambal ko. Pasimple ko na lang iyong pinapatayan pero makulit talaga iyong tumatawag. Napabuntong-hininga na lamang ako nang muling maramdaman ang pagtawag ni Akiera. Hindi ko na siya nagawang reply-an kanina nang mabasa ko ang kaniyang mga texts dahil wala na rin namang saysay ‘yon. Nasa ibang bansa ako at hindi ko na rin naman siya makikita pa. “This room is nice, huh. Ang spoiled natin kay Sir ah?” natatawang ani ko at naupo sa single sofa. The theme of this room is pastel blue and white. The big curtains are hung perfectly on a glass wall. There’s a two-room adjacent. The kitchen and dining area are on the left side, while the bathroom is in the two rooms. We’re on the 54th floor, the last floor before the penthouse. According to our source, the president of Columbia bought the penthouse for her daughter. Nagpupunta paminsan-minsan ang president sa penthouse para dalawin ang anak or should I say, para gawan ng masama. “Let’s rest here for the night. Bukas ay pupunta tayo sa Casa de Nariño. Mamanmanan muna natin ang buong lugar at kapag nakita nating hindi na kasama ng president ang anak niya ay sisimulan na nating makakalap ng evidence.” Paliwanag ni ate Levine at dumiretso na sa isang kwarto. Nagkatinginan kami ni ate Cyhael at bigla na lang niya akong inirapan. “Bandang huli tayo pa rin ang magkasama sa kwarto,” nauumay na sabi niya at sumalampak sa carpet. Tinawanan ko lang siya dahil wala naman na kaming choice. Nilagay niya ang braso sa kaniyang noo at tumitig sa kisame. Matagal siyang nanahimik bago ko marinig ang malakas niyang buntong-hininga. “Still the same, ‘no?” malumanay kong saad. “Yeah, nakakaumay nang maramdaman ang ganoon kapag sumasakay tayo ng eroplano,”tugon niya. We still have a trauma of what happened to us. Mga nakapiring kami noon kaya iba sa pakiramdam na sumakay sa isang sasakyan na hindi namin alam kung saan ang patutunguhan. We felt suffocated everytime we are on the airplane. Wala naman kaming choice na mamili ng lugar na pagtatrabahuhan dahil wala kaming kikitain kung mas pipiliin naming kainin ng takot. “Itulog na lang natin ‘to, Kiara. Nangangamoy gising ng alas singko bukas eh,” pilit ang tawang aniya at tumayo na. Napailing na lang ako at sumunod na sa kaniya. Magkasunod lang kaming pumasok sa kwarto namin bitbit ang mga gamit. Hindi na kami nakakain pa ng hapunan dahil pare-parehas na kaming bagsak sa magkaibang kama. “Mayroon lang tayong 45 minutes para mag-ikot sa Casa de Nariño. May ibang mga tourists tayong kasama dahil kailangang 20 people ang papasok sa loob. Huwag kayong magpapahalata sa pakay natin. Posible ring hindi natin makita ang president,” saad ni ate Levine habang sinasarado ang pintuan ng hotel room namin. 8 am pa lang pero nakaayos na kami upang magpunta sa Casa de Nariño. 9 am pa naman ang open for tour pero mas mabuti nang maaga. Sa labas na rin kami kakain dahil ang mahal ng mga laman sa ref ng room namin. “Bienvenida en Casa de Nariño!” bati ng mga guard. We spent a year and a half living in Bogota, Columbia, for our mission. Sobrang hectic dahil nang mapakulong namin ang president at habang on-going ang mission namin ay ilang beses na nakatanggap ng death threats ang Monarch Butterfly. Wala namang nagtagumpay na malaman kung sino ang mga kasapi sa likod ng grupo namin. We are like a ghost for them. Sir Val texted us a ‘Congrats, Mission Accomplished! You all have six months of vacation. Enjoy Agents!’ Naging mabilis ang panahon. After naming magpahinga ay muli kaming nabigyan ng project at may kinalaman ang mga anak at pamangkin ni Sir Val. Medyo kabado ako dahil isa si Akiera Hades sa mission namin. Pamangkin pala siya ni Sir Val! Hindi ako sigurado kung kilala niya pa ako. Isang buwan lang kasi siyang nangulit sa akin noon pero ni isang texts o tawag ay wala akong pinaunlakan. Nagpalit na rin ako ng number kaya hindi ko alam kung pinapadalhan niya pa iyon ng mensahe. Speaking of the devil. Akiera Hades Carson is sitting handsomely on an expansive sofa. May katabi itong dalawang babae sa magkabila at nakaakbay pa siya rito. Hindi ko alam kung ilang beses na akong nag-ikot ng mata sa kada makikitang pasimpleng hinahaplos ng mga babae ang dibdib ni Akiera. “What the hell!” Napamaang ako nang mapusok na halikan ni Akiera ang isang babae. Ilang segundo iyong nagtagal pero hindi ko man lang nabawi ang tingin ko. Tang-ina! Uuwi yata ako sa amin nang marumi na ang isip! It’s been a week of just stalking this flirt guy. Nang makita ko pa lang siya sa screen ay nakapagdesisyon kaagad ako na sa kaniya ako mag-fo-focus. Ewan. May demonyong bumulong sa akin na siya ang kukunin kong project. At si ate Cyhael ‘yon! Tumayo ako at naglakad sa gawi nila. Madadaanan kasi ang table nila papuntang CR kaya no choice ako. Wala naman akong balak magtago sa kaniya dahil gusto ko nang simulan kaagad ang trabaho ko. Hindi ako tumingin sa gawi niya nang tuluyan akong dumaan sa harap ng kanilang table. Dire-diretso ang lakad ko kahit may ilang nabubunggo. Hindi ko sigurado kung namukhaan niya ako. Ramdam ko ang titig niya pero nawala rin iyon nang makapasok na ako sa CR. Nag-chat ako sa GC namin nang nasa loob na ako ng isang cubicle. Doon kami nag-a-update for our mission dahil next month ay lilipat na ako sa condo na malapit sa ballet studio. Si ate Levine lang ang matitira sa bahay namin dahil nagkataong sinundan siya ni Garnet sa bahay. Good thing ay pareho kaming wala roon ni ate Cyhael. Me: I’m on the mission now. CyhaelZein: House lang kami ni Levine, wala naman silang gang fight? Me: I don’t think so because Akiera is drinking. CyhaelZein: A’right, ingat sa pag-uwi mamaya. Lumabas ako ng cubicle at inayos ang sarili. May mga babaeng papasok kaya lumabas na ako para hindi kami magkasiksikan. Minura pa ako ng isa nang magkabangga kami pero hindi ko na pinatulan dahil lasing ang babae. May humigit sa akin at dinala ako sa 2nd floor ng Club. Hindi ko na nagawang pumalag nang maamoy ang pamilyar na pabango ni Akiera. Tiniis ko ang sakit sa paa ko dahil sa sobrang bilis ng lakad namin. I’m wearing high heels kaya sa palagay ko’y nagkapaltos ang paa ko. Medyo masikip din kasi ‘yon. “It’s really my Aster, huh?” Paos na wika niya nang makapasok kaming pareho sa isang VIP room. Sinandal niya ako sa pader at tinagilid niya ang kaniyang ulo para mas matitigan ako. Pumungay ang kaniyang mga mata at bigla na lang sinandal ang ulo sa aking balikat. Sa sobrang lapit namin ay naamoy ko ang pinaghalong alak at mint sa kaniyang hininga. Kanina pa siyang alas singko nag-iinom kaya hinuha ko’y lasing na siya. Pasado alas otso na rin kasi ng gabi. “Hmm, lasing na yata ako,” bigla niyang sabi at umayos ng tayo. Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang pisngi ko at mas nilapit ang mukha. Naduling ako sa ginawa niya kaya bahagya ko siyang tinulak. ‘Yong puso ko, sobrang lakas na naman ng t***k! “It’s you, s**t!” siya na naman nang biglang matauhan. Napatalikod siya sa akin at ginulo ang sariling buhok. Ilang beses siyang huminga ng malalim bago humarap sa akin at samaan ako ng tingin. Oh Gosh! I can’t deny to myself. Na-miss ko ang misteryoso niyang mga mata. “Ano’ng ginagawa mo rito?” Napataas ang isang kilay ko at hindi makapaniwalang tinignan siya. He pulled me here! Bakit ako ang tinatanong niya? “Paglalaruan mo na naman ba ako?” Muli niyang tanong. Napakurap-kurap ako nang hindi makuha ang sinabi niya. Paglalaruan na naman? Kailan ko ba siya nilaro? Hindi naman kami masyadong nagkasama dati. “Ano’ng sine-say mo? I don’t remember playing you, Akiera,” mahinahon kong tugon. “F*ck! Na-miss ko ang pangalan ko,” mahinang aniya. “What’s your problem ba? Kung anu-anong sinasabi mo riyan eh I can’t understand you naman.” He seductively licks his lower lip and looked at my eyes. Nawala ng ilang segudo ang pagiging badboy awra niya. Mas lalong pumungay ang mga mata niya at tinitigan pa ako na parang bigla akong mawawala sa harap niya. “Ikaw… Ikaw ang problema ko, Aster. I remember, I texted you na humanda ka sa akin kapag nagkita tayo ‘di, ba? Hindi ka na makakawala pa sa’kin.” Oh this man! Dahil hindi mo ako nakuha noon ay ngayon mo itutuloy ang plano mo. Okay! Pagbibigyan kita para sa mission ko pero pagkatapos ng lahat ay hindi na muli ako magpapakita pa sa’yo. “Let’s see,” who will win, Akiera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD