CHAPTER 9 - Trigger Warning: Sensitive language; abuse.

1530 Words
When I was still a kid, I always imagine myself dancing on a stage. Iyon ang naging takbuhan ko noong saktan kaming tatlo ng aming ina. Tumatakas pa ako noon para lang makapag-practice. Tingin ko kasi ay okay lang since si Papa naman mismo ang nag-enroll sa akin sa ballet dance. Ang smooth pa nga ng buhay ko no’n kasi kada uuwi ako ay hindi na ako sinasaktan ni Mama. Pero ang hindi ko napapansin, sa ilalim pala ng kumot ni ate Levine ay naroon siya. Tinatago ang mga sugat na ako ang dahilan. Wala pa akong maintindihan noon dahil pare-parehas lang naman kaming mga bata pa, nasa taong 8 pa lamang. Pagkauwi galing practice, sa kwarto naming tatlo ako dumidiretso, takot na magkita kami ni Mama at saktan na naman niya ako. Madadaanan ang masters bedroom kung saan ang kwarto nina Mama at Papa. Nagmamadali kaagad ako kasi baka biglang bumukas ang pinto at makikita ako ni Mama. “Ayan, mga hayop kayo! Ikaw ang magdudusa sa pinaggagawa ng kambal mo!” Napahinto ako nang marinig ang sigaw ni Mama. Nanginginig akong lumapit sa nakaawang na pinto at sinilip kung ano’ng nangyayari sa loob. Natutop ko ang aking bibig sa nasaksihan. Hawak-hawak ni Mama sa panga ang nakaluhod kong kambal. Umiiyak siya at may dugo pa sa gilid ng labi. “Tang-inang ‘yan, pinag-aaral ko na nga kayo, naghahangad pa kayo ng iba! Hangga’t hindi tumitigil sa kahibangan ‘yang kapatid mo ay ikaw ang masasaktan Levine!” Tumulo ang aking mga luha. Naging bulag ako sa kagustuhan kong makawala sa pananakit ni Mama. Hindi man lang pumasok sa utak ko na maaaring madamay ang mga kambal ko kung sarili ko lang ang iniisip ko. Inawang ko ang pintuan para sana makapasok pero nang makita ako ni ate Levine ay inilingan niya ako. Lalo lamang bumuhos ang aking luha nang malakas siyang sinampal ni Mama na naging dahilan ng pagkakahiga niya sa sahig. “Putang-ina niyo naman!” Nanggigigil na sigaw ni Mama at biglang humarap sa akin. Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Gusto kong tumakbo pero napako na ako sa kinatatayuan ko nang magsimula siyang maglakad. Natapakan pa niya ang kamay ni ate Levine kaya napabaling ako sa ate ko. Tahimik na umiiyak ang ate ko. Bumaluktot siya at dinama ang sakit sa katawan. Hindi na siya nakabangon, marahil kanina pa siya napagbuhatan ng kamay kaya pagod na ang kaniyang katawan. “Nagpakita ka pa talaga sa ‘king, tang-ina ka!” sigaw niya. Tanging iyak lang ang nagawa ko. Wala akong lakas na manlaban, maski ang magsalita. “Ang sabi ko sa inyo, mag-aral kayo sa pagkanta dahil iyon ang gusto kong gawin niyo. Hindi ‘yang putang-inang pagba-ballerina, Kiara. Kailan ba kayo makikinig sa akin, huh?!” Nabigla ako nang bigla niya akong hapitin sa leeg at nilapit sa kaniya. Pinanlilisikan niya ako ng mata at kitang-kita sa mga ‘yon ang sobrang galit niya. “M-Ma…” Pabalang niya akong hinawakan sa magkabilang braso nang pumunta siya sa likod ko. Pilit niya akong dinala sa pwesto ng ate ko at pati ang pagluhod ay pwersahan pa. “Ayan, tignan mo ang kambal mo, Kiara,” aniya. Ang mabibigat na kamay ni Mama ay humawak sa batok ko at hinarap sa pwesto ni ate Levine. Naramdaman ko ang paglapit ng mukha ni Mama sa bandang tenga ko kaya nanindig ang mga balahibo ko. Ito na naman! Habang dumidiin ang hawak niya sa aking batok ay huminga ng malalim si Mama at bumulong sa akin. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa maliit kong braso at damang-dama ko ang panggigigil niya ro’n. “Titigil ka sa pagba-ballerina o papatayin ko ang kambal mo?” Nagpalakpakan ang mga tao nang matapos kaming sumayaw. Basa ang pisngi ko kaya pinunasan ko iyon ng panyo na iniabot sa akin ni Akiera. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Medyo nahirapan akong huminga kaya nang makababa kami ay pinaupo kaagad ako ni Akiera sa assigned seat ng grupo namin. “Ang perfect ng pag-iyak ni Kiara! Hindi man lang sinabi sa atin na may pagano’n pala siya,” tuwang-tuwa na puna ng isa sa kasamahan namin. Pilit ang naging ngiti ko dahil hindi pa rin nawawala sa aking isip ang nangyari sa amin noon. Tuwing sumasayaw na kami sa entablado at maraming tao ang nanonood ay palagi kong naiisip ang bangungot namin nina Levine. Walang palya ‘yon kaya ang palaging concept ng sayaw namin ay masasakit. Wala silang alam sa totoong dahilan ng pag-iyak ko dahil wala naman akong balak na sabihin sa kanila. “You did well, guys!” Masayang bati sa amin ni Miss Sarah. Kasama niya si Sir Francis na panay ang puri sa kaniyang mga ballerina. Para hindi na sila magtanong pa ay pinilit ko ang sarili kong kumalma. “Are you okay?” Akiera asked. I smiled and nodded as a response. Nanatiling mariin ang pagkakatingin niya sa akin kaya umiwas na lang ako ng tingin. Inabala ko ang sarili ko sa panonood sa sumunod na contestant. “Dinner?” Hinawi ko ang nakaladlad ko ng buhok at tumingin kay Akiera. Palabas na kami ng MOA at nagkayayaan ang grupo na kumain sa labas dahil sa pagkapanalo namin. Hindi na ako sigurado kung makakasali pa ba ako sa susunod dahil may mission pa kami ng mga kambal ko. “Bukas na lang? I’m tired na eh,” alanganing sagot ko. Nagpaalam na ako kanina kay Miss Sarah na hindi ako makakasama sa celebration mamaya. I feel so exhausted! Gusto ko na lang ang mahiga sa kama ko at matulog ng mahimbing. “Alright, I’ll see you tomorrow, then?” “Yeah,” tipid kong tugon at ‘di na napigilang humikab. Nahihiya akong tumingin sa kaniya at nag-sorry. Tumango lang siya at inihatid na ako sa aking kotse. “I still don’t have your number, Aster.” Inabot niya sa akin ang kaniyang cellphone kaya t-in-ype ko na lamang ang numero ko para matapos na. Gusto ko na talagang mahiga. “Bye, Akiera!” Sa sobrang pagod ko ay hindi na ako nakausap pa ng maayos nina ate Levine. Dire-diretso lang akong umakyat at humiga sa aking kama. Hindi ko alam kung anong oras ako nakauwi dahil hindi ko na binuksan pa ang aking cellphone. Kinabukasan nang magising ako, panay ang sermon sa akin ni ate Cyhael dahil nahuli na raw kami sa flight namin. Hindi ko naman alam na alas singko kami aalis papuntang Columbia. Sinabihan daw nila ako pag-uwi ko pero dahil sa kalutangan ay hindi ko naman naintindihan. “Sa next flight na lang tayo, I’m sorry, sobrang tired ko na kasi yesterday.” “May choice pa ba?” Pasaring na aniya at binagsak ang sarili sa upuan. I cook bacon, scrambled eggs, fried rice, and hotdog. Sila na ang nagtimpla ng mga kape nila dahil iba-iba kami ng trip sa coffee. 1 pm din kasi ang flight namin kaya hindi na ako nagluto pa ng mas maayos na ulam. Baka hindi rin namin maubos. “By the way, bidang-bida ang grupo niyo sa TV kahapon! Pwede ka na pa lang artista, Kiara, eh. Damang-dama ko emosyon mo ro’n.” Ngumisi ako at natuwa sa komento ni ate Cyhael. Inaasar pa nila ako dati na wala raw dating ‘yong pag-iyak ko. Wala naman talaga sa plano ang umiyak ako. Hindi ko lang maiwasan. “Ako lang ‘to, ate Cyhael,” natatawang saad ko at tinusok ang hotdog. “Yabang mo, ah!” “Congrats, Kiara!” “Thanks, ate Levine,” matamis kong sabi at kinindatan silang dalawa. Natawa na lang ako nang mandiri ang itsura ni ate Cyhael at iniwas ang tingin. Luh, akala mo walang kakornihang nagawa ang bruhang ‘to. “Bakit pala napaaga ‘yong pagpunta natin don? Akala ko next week pa?” “Confirmed na kasi na totoo ang nagpapadala ng texts at email sa Monarch Butterfly. Nag-send din ng video ‘yong anak ng President kaya pinapapunta na agad tayo ro’n ni Sir Val,” tugon ni ate Cyhael kaya tumango-tango ako. I hoped she’s okay. Sir Val rented a car here in Bogota, Colombia. Nag-aantay na ang driver sa amin kaya pumasok na kami kaagad sa loob. Malapit sa Casa de Nariño ang hotel namin kaya doon ang diretso ng sasakyan. Sa haba ng biyahe ay hindi man lang ako nakapagbukas ng cellphone dahil kung hindi ako nag-i-ipad ay natutulog ako. Ngayon ko lang naisipang magkalikot ng cellphone at napamaang na lang ako sa dami ng texts at missed calls ni Akiera. “Oh my gosh! Na-silent ko pala ‘to!” From: 0977******* Saan tayo mag-dinner, Aster? From: 0977******* Tulog ka pa ba? Sleep well, Aster. From: 0977******* Fastfood na lang ba? Nag-ke-crave ako sa Fries eh. From: 0977******* What are you doing? From: 0977******* Hindi ka sumasagot sa texts ko. :* From: 0977******* Kita na lang tayo sa studio, ah? From: 0977******* Hoy, si Akiera Hades ‘to, ang soon to be your boyfriend ;) From: 0977******* Gh-in-ost mo ba ako? Grabe ka, balik mo puso ko! From: 0977******* Aster! Kapag nagkita ulit tayo humanda ka sa’kin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD