CHAPTER 8

1562 Words
“Okay, perfect!” Sigaw ni Miss Sarah at nakisabay sa palakpakan namin. It’s 4 in the afternoon. Huling practice ngayong araw dahil bukas na ang contest na sasalihan namin. Maaga kaming nagsimula kaya maaga rin kaming natapos. Kailangan din kasi naming magpahinga para maging maayos ang kondisyon namin bukas. Dito pa lang ay tensyunado na kami. Ramdam na ng bawat isa ang kaba at excitement. Sa MOA gaganapin ang contest. Hindi lang ito basta-basta dahil ang mananalo roon ay ilalaban sa ibang bansa. We really need to do our best! “Bagay na bagay pala sa’yo ang black na tutu, Kiara,” puri ni Miss Sarah kaya nginitian ko siya. Kami lang dalawa ni Aki ang naiiba ang kulay dahil kami ang nasa gitna at may special na sayaw. Ang iba’y kulay puti na may lining at beads na itim. “Boys, don’t forget to wear your dance belt, huh?” Baling naman niya sa mga lalaking nagpupunas ng pawis. “Yes, Ma’am!” We spent our time talking about the contest tomorrow. Nang umayos ang aming katawan ay sabay-sabay na kaming lumabas ng studio at nagkahiwa-hiwalay din pagdating sa parking area. Kasama ko si Aki na nakabusangot ang mukhang nakatingin sa akin. Kanina niya pa ako kinukulit na sumama sa kaniyang mag-dinner sa labas. Hindi ko naman siya mapaunlakan dahil siguradong nag-aantay iyong dalawa kong kambal sa akin. “I can’t, Aki. I have something to do pa,” ubos sa pasensiyang ani ko. “What is it? Hindi ba ako pwedeng sumama para kakain na tayo kapag tapos ka na sa ginagawa mo?” Pagpapatuloy niya. “Next time na lang, hmm?” Nagmaktol siya at walang sabi-sabing sumakay sa kaniyang sariling kotse. Magkatabi lang kaming nag-park dahil halos kasabayan ko siya kanina na dumating. Kibit-balikat akong sumilid sa aking kotse at sinimulan nang paandarin ito. Nauna na ang lalaki sa pag-alis kaya hindi na ako nabahala na susundan niya ako. Habang nagmamaneho ay nag-ring ang cellphone ko. Sakto namang red light kaya nagawa ko itong sagutin at ni-loudspeaker na lang. “Hello?” “Bruha, sa’n ka?” nagmamadaling bungad ni Tanya kaya napakunot ang noo ko. “On my way na sa bahay, Why?” “Pwede bang daan ka muna rito sa Agent Home? Sunduin mo na rin si Mei, hindi ko siya ma-contact eh.” “Ghorl, kakagaling ko lang sa ballet studio, 30 minutes pa yata bago ako makapunta sa hospital ni Mei. Ano bang nangyari?” “May dinala akong pasyente rito, eh. Hindi ko siya pwedeng dalhin sa hospital dahil baka doon umatake ‘yong mga lintek na nakaaway nitong lalaking ‘to. Pakibilisan na lang muna, Kiara.” “Alright, wait mo na lang kami. Ingat kayo diyan!” Pinaharurot ko na ang aking kotse at niliko para makarating kaagad sa hospital ni Meisha. Hindi ako sigurado kung naroon ang babeng ‘yon. Pero dahil hindi raw sumasagot ay baka may pasyente ito. Maaga lang ako ng ilang minuto. Nang mai-park sa labas ang kotse ko ay pumasok na kaagad ako sa malaking hospital ni Meisha. This girl, ang yaman! “Hi, nurse. Nasaan po si Doc Zaldua?” Tanong ko sa nurse na pamilyar sa akin ang mukha. “Ay, Miss Kiara, kayo po pala. Nasa opisina po niya si Doc Zaldua. Naroon po yata si Doc Fernandez. Narinig ko po kasi sa mga kasama ko na may kasigawan raw po si Doctora sa opisina niya.” I shyly smiled and thanked her. Nagpaalam na akong pupunta sa opisina ni Mei kaya tumango na ito sa akin at nagpunta sa isang pasyente. Wow naman, Mei! Kaya pala hindi sumasagot ng tawag. May kasigawan ang malandi. Just what that nurse said, mayroon ngang kausap ang doctora sa loob. Nasa labas pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang gigil na sigaw ng kaibigan ko. Nakakahiya sa mga dumadaan dahil talagang humihinto ang mga ‘to at tatambay pa. Ang mga chismosa! I knocked three times. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako. “Oh my Gosh, friend! May mic ka ba sa throat mo?” saad ko nang buksan ko ang pinto. Meisha is standing in front of a man who’s sitting on her swivel chair. Nakapameywang ang babae habang hindi naman inaalis ng lalaki ang titig sa kaniya. Napatakip ako ng kamay sa bibig ko para pigilan ang matawa. Paano ba naman. Halatang gigil si Meisha pero itong kausap niya ay sitting pretty while looking intently at her. I find them cute. Palalayagin ko ‘tong ship ko! “What the f*ck are you doing here, b***h?!” Sa’kin na binaling ni Meisha ang inis niya kaya hindi ko na naiwasan ang matawa. “Words, lady,” mariin na saway sa kaniya ng doctor. Oh my God! “Mama mo, words. Lumabas ka na nga!” Pinapanood ko lang kung paanong mamungay ang mga mata ng doctor habang nakatingin kay Meisha. Kinikilig ako sa dalawang ‘to. Nag-aaway pa lang ‘yan ah? Paano pa kaya kung talagang naglalandian na sila sa harap ko. Oh s**t! “We’ll talk again later. Sabay tayong uuwi.” Napakaangas ng tindig ng lalaking doctor. Nang dumapo ang tingin nito sa akin ay tumango lang ito at bumalik din kaagad ang tingin sa kaibigan ko. Ang maharot kong kaibigan ay hindi man lang makatingin sa kaniya. Pinipilit niyang sineseryoso ang itsura kahit halata namang hindi na ito galit. Walang imik na lumabas ang doctor. Lumapit kaagad ako sa kaibigan ko at sinabunutan siya ng mahina. Ang loka-loka naman ay humagikhik. Namumula na rin ang pisngi niya kaya hinawakan niya ito. “Gaga ka, ang harot mo!” “Well, kung ganiyan ba naman kagwapo ‘yong doctor sa hospital ko bakit hindi ako lalandi?” “Tang-ina mo, Mei! Kanina pa tumatawag sa’yo si Tanya. Panay pala ang kaartehan mo rito kaya hindi ka sumasagot.” “Bakit ba kasi? Isa pa ‘yan sa pinag-awayan namin ng baby ko kaya hindi ko na nasagot.” Natatawa ko siyang inirapan at hinila na palabas ng kaniyang opisina. Nadaanan pa namin si Doc Fernandez kaya huminto muna kami para maipaalam ko ang maharot kong kaibigan. “Kidnapp-in ko muna ang sinisinta mo, Doc!” “Ang luma naman no’n, Kiara.” “Huwag ka nang maarte dahil hindi ka naman maganda!” Panay ang reklamo niya habang hinihigit ko siya palabas ng Hospital. Nang makarating sa kotse ay pinatunog ko ito at ako na ang nagbukas ng pinto para kay Mei. Tinulak-tulak ko pa siya at malakas na sinara ang pinto. “Gago, baka hindi ako tubusin ng doctor ko kung totoo ngang ki-nid-nap mo ko!” “Panget mo raw kasi,” natatawang saad ko at sinimulan na ang magmaneho. Panay ang painggit niya na mamaya ay baka madiligan na raw siya ni Doc Fernandez. Hindi ko naman siya maintindihan dahil wala namang ibang sinabi ang doctor bukod sa mag-uusap sila. Napaka-assuming naman ng babaeng ‘to. “Stop muna sa kalandian, bebe. May pasyente ka sa Agents Home,” ani ko. When we finally arrived, nauna na si Meisha sa pagpasok sa loob. Hindi ko na pinasok ang kotse dahil aalis din naman ako maya-maya para makauwi na sa bahay. Gusto ko lang malaman kung ano’ng nangyari kay Tanya. “What happened to him?” “May saksak siya sa tiyan, Mei. Kanina pa siya walang malay!” Nag-aalalang sagot ni Tanya. Hindi na ako lumapit pa sa kanila. Pinunit ni Meisha ang damit ng lalaki at tinignan kung gaano kalaki ang sugat. Seryoso na ngayon si Meisha. Nakakunot ang kaniyang noo habang tinitignan ang sugat ng lalaki. “Medyo malalim ‘to, Tanya. Dapat dinala mo na lang siya sa hospital ko!” “Natatakot akong baka masundan kami ro’n. Ang daming inosenteng tao sa hospital mo Mei. Hindi ba kaya kung dito na lang siya gagamutin?” “Gaga ka!” Sinenyasan ako ni Meisha na lumapit. Pinapakinggan nito ang pulso ng lalaki at medyo na-relieved si Meisha nang malaman na buhay pa ito. “Dadalhin natin siya sa Hospital ko,” pagdedesisyon ni Meisha. “Kiara, tawagan mo ang mga bodyguards ni Sir Val at pakiusapan na lagyan ng bantay ang Hospital,” baling nito sa akin kaya tumango ako. Bago ko pa makuha ang cellphone ko ay sinabihan kami ni Meisha na tulungan siyang buhatin ang lalaki. The guy has a perfectly body. Halatang batak ito sa gym at mukhang athletic. Dahil medyo may kabigatan ang lalaki ay dahan-dahan namin itong binuhat tatlo. Sa kotse ko namin sinakay ang lalaki dahil mas malaki ito kumpara sa dala ni Tanya. Ako na rin ang nagmaneho dahil si Meisha ang may hawak sa tiyan na may saksak. Nang makarating kami sa hospital ay nagtawag kaagad si Tanya ng nurse. Sinakay nila ito sa stretcher at nagmamadaling pinasok sa loob. “Huwag kang lalayo, Tanya. After ko siyang ma-examine ay kailangan mong humanap ng dugo kapag walang available na blood type niya rito sa hospital ko,” huling habilin ni Meisha at mabilis na sinundan ang pasyente. Tinapik ko ang balikat ng kaibigan ko at inaya na siyang pumasok sa loob. Nang maitawag ko na kay Jack ang tungkol sa bodyguards ay sinamahan ko munang mag-antay si Tanya. After settling everything okay, nauna na akong umalis sa mga kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD