I stared intently at Aki while I’m dance-walking towards him. When I walk fastly to Akiera, he grabbed my waist then lift me. I gracefully raised my arm from behind and made an X while it’s in the air. After that, I ran my hands on Aki’s face, not taking my eyes off him.
“Oh, I like that. Keep going, Akiera and Kiara!” Rinig kong sigaw ni Miss Sarah.
Kami ni Akiera ang unang sasayaw. Bago mag-chorus ay isa-isang lalabas ang ibang mag-partner para palibutan kami ni Aki habang nasa gitna nila kami.
When he finally put me down, I ran away from him, and Aki followed me otherwise. Dalawang beses pa muna akong umikot habang nakataas ang dalawang kamay ko. Nang maramdaman ko ang paglapit ni Akiera, kusa kong binagsak ang katawan ko.
I heard him curse when he grabbed me late. Napakunot ang noo ko at tinignan siya. Hininto ni Miss Sarah ang tugtog at lumapit sa amin.
“Are you okay, Akiera?” Nag-aalalang tanong ni Miss Sarah sa kan’ya.
Awkward akong umalis sa pagkakahawak ni Aki nang ma-realize ang pwesto namin. I’m on top of him!
Noong binagsak ko pala ang sarili ko ay hindi pa siya ganoon kalapit sa akin. At dahil hindi naman ako nakatingin sa kaniya kanina ay hindi ko alam na wala pala akong babagsakan na braso. Mabuti na lang ay nakatakbo siya at naihiga ang sarili sa babagsakan kong sahig.
“What happened po?” I asked nang hindi sumagot si Akiera.
“Tumama ang ulo niya sa sahig bago ka niya masalo, Kiara,” nag-aalalang saad ni Miss Sarah kaya napatingin ako sa lalaki.
“Hindi naman masakit,” wika ni Akiera at bumangon.
“Ano ba kasing nangyayari sa’yo?” Nakataas ang kilay na tanong ko.
Kanina pa siya wala sa sarili habang nag-pa-practice kami. Kung hindi sa part na babagsak ako, sa ibang part naman siya magkakamali. I always catch him looking at me, akala ko dahil sa sayaw pero mukhang sa ibang bagay kung bakit siya natutulala.
“10 minutes break. Ayusin mo ang sarili mo Akiera. Malapit na ang contest,” nakapameywang na ani Miss Sarah at tinalikuran na kami.
Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa kaniya. When he looked straight in my eyes, he suddenly looked away.
“May problem ka ba with me, Aki?” Hindi ko na napigilan.
Nakaupo siya sa sahig habang nakatayo naman ako sa harap niya. Hindi ko inaalis ang mga mata kong nakabaling lang kay Aki.
“Take a break, Aster,” nakaiwas ang tingin na sabi niya.
“Tell me if you have a problem with me. Two days na lang ang practice natin.”
“Wala, aayos na ako. Magpahinga ka na ro’n.”
Sinenyas ng labi niya ang baba kung saan nakakalat ang mga upuan. Naroon ang iba naming kasama pero ayokong tapusin ang usapan namin nang hindi niya sinasabi kung bakit siya nagkakaganiyan.
“Aster, please,” this time, tumingin na siya sa akin nang umupo ako sa harap niya.
I raised my eyebrow nang makitaan ko nang pagpipigil ang kaniyang sarili. Everytime we practice, parang hirap na hirap siyang hawakan ako. Kung hindi lang niya ako bubuhatin o sasaluhin ay hindi niya ididikit ang kamay sa’kin.
Para akong nagkaroon ng malalang sakit sa way ng kaniyang pakikitungo. Wala naman akong maalalang nagawang mali sa kaniya kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganoon siya sa akin.
“Hindi ako comfortable sa ginagawa mo Akiera. May nagawa ba ako sa’yo?”
Kumunot ang kaniyang noo at mas tinitigan ako ng malalim. His eyes glistened when the lights from above hits our position. Hindi ko maintindihan kung bakit bukod sa adorasyon at pagkamangha, ay nakikitaan ko ng takot ang kaniyang mga mata.
“Sino ‘yong lalaking kasama mo noong umamin ako sa’yo?”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Umawang ang mga labi ko, hindi na nagawa pang makasagot.
What the heck?! Sinundan ako ng lalaking ‘to nang hindi ko man lang napapansin!
Kumabog ng malakas ang puso ko sa takot na baka pati ang pinag-usapan namin ni kuya Jack ay narinig niya. No! Hindi niya pwedeng malaman ang ibang tungkol sa akin. s**t!
“Is he your boyfriend? Kaya ba hindi mo ako pinansin noong umamin ako?”
“What?”
“Feeling ko hindi naman ‘yon pogi. Likod pa lang wala nang panama sa kagwapuhan ng buong katawan ko,” mayabang na hinawi niya ang kaniyang buhok.
“You know what, napakahangin mo na nga, nang-iinsulto ka pa.”
Inirapan ko siya at tumayo na. Kaya pala wala sa sarili ang gagong ‘yon. He stalked me!
Naglakad na lang ako palapit sa water dispenser para makakuha at makainom ng tubig. Nakakaumay ang lalaking ‘yon. Akala mo naman mayroong kung ano sa amin.
“Let’s start!” Malakas na sabi ni Miss Sarah kaya nagsiakyatan na kami sa stage.
Nakahinga na ako ng maluwag dahil umayos naman na si Akiera sa pagsasayaw. Nako, kung hindi ay baka natuktukan ko siya. Paulit-ulit na kami rito. Nakakapagod din.
“Hoy, gaga, nagkita pala kayo ni Jack noong nakaraan?”
Boses ni Maria Stefanny ang bumungad sa akin pagpasok ko sa bahay. I glared at some agents who were inside our house. Sa pagkakaalam ko, magkakasama rin kami kahapon. Ano’t nandito na naman ang mga kupal na ‘to?
“Why ba kayo nandito? Hindi niyo ba alam na nakakasawa na kayong kasama?” Busangot na saad ko at naupo sa bakanteng sofa.
Meisha, Tanya, and Aphrylle are sitting comfortably on a long couch. In comparison, Maria is sitting pretty on a one-setted couch.
“Ghorl, hindi mo ba knows?” Eksaheradang tanong ni Meisha.
I looked at her, puzzled at what she was saying. Kakauwi ko lang galing practice. Kung may napag-usapan man sila ay malamang hindi ko ‘yon alam.
“Na ang ganda-ganda ko!”
“Hindi niyo ba pinainom ng gamot ‘to?” Nandidiring sabi ni ate Cyhael na kakagaling lang sa taas.
Nang makalapit siya kay Meisha ay pabiro niya itong sinabunutan at mabilis na nagpunta sa likod ni ate Levine na nasa pintuan ng dining area.
“Pangit ni Cyhael amputa, hanggang dito lang oh,” ani Meisha at gumuhit ng imaginary line.
“Alam mo Mei, ikaw lang ang kilala kong doctor na mabaho!” ganti naman ni ate Cyhael na umani ng tawanan naming lahat.
“Ah talaga ba Cyhael?” pikon na wika ni Meisha at hinawi ang buhok.
Napangisi na lang ako at umakyat na sa aking kwarto. Hindi pa matatapos ang bangayan ng dalawa kaya magbibihis muna ako. Mga ilang minuto pa silang magbabardagulan kaya imbis na panoorin sila ay gawin ko muna ang kailangan kong gawin.
“Kaya tayo nandito lahat ay para pag-usapan kung gaano ako kaganda.”
Ayan na naman si Meisha. Kanina pa ‘yan, kahit nang makabalik na ako ay pinipilit niya pa ring pag-usapan ang kagandahan niyang minsan ko lang nakikita.
“May natatanggap na mensahe ang Organization. Hindi pa sigurado si Jack kung tunay nga ba ‘yon o isa lang paraan para malaman ng publiko ang tungkol sa Monarch Butterfly,” seryosong singit ni ate Levine.
Naitikom bigla ni Meisha ang bibig. Pabiro niya pang pinadaanan ng daliri ang labi, kunware ay zi-ni-pper. Nginisian namin siya nang hindi na niya maibida ang kahibangan niya.
Levine, our leader, lahat kami ay medyo takot sa kaniya. Nabibiro naman namin siya minsan pero kapag talaga tungkol sa trabaho ang pag-uusapan, nililimitahan namin ang pag-aasaran o magsalita nang hindi naman naaangkop.
She’s one of my twins. Actually, noong mga bata pa kami ay hindi naman siya ganiyan kasungit. Medyo nagbago siya dahil na rin sa nangyari sa amin noon. I can’t blame her if she chose that way. Kami lang ni ate Cyhael ang makakaintindi sa kaniya.
“Oh yeah, pinakita sa akin ni kuya Jack ‘yong mga text messages at emails nang magkita kami sa restau,” tumatangong ani ko nang maalala.
“Kilig pempem, ghorl?” natatawa pang-aaasar ni Meisha na nginisian ko lang.
They know that I liked kuya Jack. Palagi nila akong inaasar pero kapag kaharap naman namin ang lalaki ay tamihik sila. Well, I know some of their secrets about boys. Madaldal din kasi ako kaya hindi nila ako binubuko sa nagugustuhan ko.
“Shut up, Antonette!” mariing saway ni ate Cyhael.
Nalukot ang mukha ni Mei nang marinig ang tinawag sa kaniya ni ate Levine. She hates that name kasi!
“Hoy gago, ‘wag naman ‘yang name na ‘yan. Pangit-pangit ng gunggong na ‘yon tapos magkalapit pa name namin? What the f*ck, ‘di ba?” nanlalaki ang mga matang sabi niya pa.
Nagtawanan kami nang hindi pa rin siya maka-move on sa pangalan ng ex niya. Sabi niya ay hindi naman daw pogi ‘yon kaya hindi niya maintindihan kung bakit siya pumatol do’n. Lakas pa raw ng loob para lokohin siya.
“Okay, back to you, mareng Levine,” napatakip ng bibig si Mei para hindi tuluyang matawa.
Masama na ang tingin sa kaniya ni Ate kaya hindi na siya nagsalita pa.
“Someone said that the president of Columbia is a rapist. Base sa sender, anak mismo siya ng president kaya walang naniniwala sa kaniya. Monarch Butterfly is her only choice to get rid of the abuse from her father.”
Tumango-tango kami sa sinabi ni ate Levine. Nang makita niya na naiintindihan namin siya ay nagpatuloy muli siya sa pagsasalita.
“We need to know if that is true. Since tayong mga nandito lang ang available for the mission, tayo ang may possibilities na makakakuha ng project. If you have essential things on your schedule, sabihin niyo na kaagad para hindi tayo mahirapang mag-adjust. We need to go to Columbia.”
“When ba mag-start ang mission?” Aphrylle asked.
“2 weeks from now. Need pa munang maghanap ni Jack ng source bago ipahawak sa atin ang mission,” tugon naman ni ate Levine.
“Hindi pa ako pwede sa ibang bansa, mga sis. Medyo hectic sa hospital. Nagagalit na ang labidabs ko sa’kin.”
Bukod kay Meisha, hindi rin daw pwede sina Maria, Tanya, at Aphrylle dahil may kailangan silang gawin sa mga araw na ‘yon. Mukhang sa amin pang tatlo maibibigay ang mission.
“Kunin niyo na ‘yan, Lev,” ani Tanya.
“Wala naman na akong gagawin pagkatapos ng contest namin two days from now. I’m in!”
Pagkatapos pa ng ilang pag-uusap ay napagpasyahan na rin namin na kaming Tres Marias ang hahawak sa mission na iyon. Tinawagan na rin namin si Sir Val para ipaalam na kami lang tatlo ang available at pumayag din naman siya.
I need to take a break in ballet, huh.