Bigla akong nawalan ng gana. Habang nagpa-practice kami, si Akiera na lang ang nagbibigay buhay sa aming dalawa. Masyado akong naapektuhan ng naging usapan namin nina ate Bianca.
I like Akiera but not in a romantic way. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit ano’ng pilit kong itanggi ay hindi naniniwala sa akin si ate. Aki even tells her the truth.
Gusto ko pa sana siyang kausapin kanina kaso ay umalis na siya kasama ng iba pang managers. Ang tanging naiwan na lang dito sa studio ay kaming mga ballerinas at ang choreographers. Hindi ko naman deserve ang ganoong treatment. Paano ko na haharapin si ate Bianca niyan.
“Guys, listen. Lahat tayo ay kailangang mag-adjust. Since kasama sa concept na kailangang by partner, isa sa inyo ang matatanggal or may isang ipapasok,” panimula ni Miss Sarah, ang choreographer namin.
“However, I’m scared that my boys are already here. Ang ibang wala rito ay unavailable kaya siguro’y kailangan talaga natin magbawas,” mahihimigan ang lungkot sa tono ni Sir Francis.
Ang mga lalaking ballerina ay si Sir Francis ang nag-hahandle, samantala, kaming mga babae ay kay Miss Sarah.
Sari-saring reaksyon ang umani nang wala nang maidagdag pa ang dalawang choreographer. May ibang sinamaan kami ng tingin ni Aki at ang iba’y sinusumpa na yata kami.
“Ma’am, bakit hindi na lang ang dalawang killers na ‘yan ang alisin?” Masama ang loob na puna ni Heart.
Sunod-sunod na nagtanguan ang iba, sumasang-ayon sa sinabi ng kasama. Willing naman akong umalis dahil ayoko namang ipilit pa ang sarili ko. Kahit wala naman akong kasalanan ay hindi ko maiwasang makonsensiya.
“Nakakayamot naman Miss, kami pa mag-a-adjust sa ginawa ng iba diyan!”
“Bakit po ba nakalaya pa ‘yang dalawang ‘yan?”
“Baka binayaran ni Hades!”
“Miss, hindi namin kayang sumayaw nang nandito sila!”
“Hindi ba kayo natatakot nab aka patayin na lang nila tayo rito?”
Napapikit ako ng mariin. Hindi ba nila napakinggan ang sinabi ng director kanina o talagang sinara na nila ang isip nila.
Malinaw namang sinabi ng Director na napagbintangan lang kami. Ano’t panay ang pilit nilang kami nga ang mamamatay tao?
Pumalakpak ng tatlo si Miss Sarah para makuha ang kanilang mga atensiyon. Nanatili lang ako sa gilid at pinapanood ang lahat ng galaw nila.
“Nakausap namin kanina ang mga pulis, Kiara and Akiera are innocent. Nasaktuhan lang talaga na sila ang huling nahagip ng CCTV bago ito masira. Jessy can also testify. Si Jessy ang sumunod na lumabas pero hindi na ito nahagip pa ng camera.”
“Eh Ma’am, pa’no po ‘yan? Wala na po bang lead ang mga pulis?” Natatakot na tanong ng isa.
“Sad to say, wala pa nga. Lahat tayo rito ay malilinis ang alibi. Nag-iimbestiga pa rin ang mga pulis kung may makukuha silang lead outside the studio. For now, lahat tayo rito ay suspect.”
Napalunok ako at nilibot ang tingin sa lahat ng kasama ko ngayon. Lahat sila ay makikitaan talaga ng takot sa mukha.
I’m not sure if Nicole is still Kian’s Boyfriend. Hindi ko na rin sila nakikitang magkasama dahil palaging si Jane – ang partner ni Kian – ang nadadatnan ko na katabi nito noong nabubuhay pa siya.
Kung mas lalawakan ko ang pag-iisip, maaaring si Nicole ang main suspect. Hindi ko alam ang kwento nilang dalawa pero I can’t trust her love towards kuya Kian para hindi magawa ang ganoong bagay. Mag-isa siya sa kabilang gilid.
Hindi niya kasundo ang iba dahil na rin sa pagiging mahiyain. Kapag naman sinusubukan siyang kausapin ng iba ay tinutuldukan na kaagad nito ang tinutugon.
Habang pinagmamasdan ko si Nicole, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagngisi niya. Wala siyang kausap kaya imposibleng ngumisi siya ng ganoon. When she turned at my side, her smile became scary!
Sa layo ng pagitan namin ay nagawa niya pa ring maramdaman ang titig ko. Mas lalo lang tuloy nadagdagan ang pagdudududa ko sa kaniya.
Habang pinagmamasdan siya ay nakita ko kung paano dumilim at manlisik ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Nilabanan ko iyon kahit na nakakaramdam na ako ng takot. Noon, kapag nakikita ko siya, I find her sweet and adorable. Bakit ganito siya ngayon?
Nawala ang ngisi niya bago iiwas sa akin ang tingin. Nagtaas siya ng kamay at nang mapansin siya ni Miss Sarah ay bumalik sa dati ang pagiging inosente ng kaniyang itsura.
“Ako na lang po ang aalis, Miss. Kailangan ko po kasing magpunta sa America dahil may sakit po si Daddy.”
Is that even true, or pupunta lang siya roon para hindi maaresto?
“Alright, Nicole. I’ll pray for your father to recover fast.”
After practice, I went straight to the dressing room. Hinihingal ako habang nakaupo at pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Wala akong baon na damit kaya kumuha na lang ako ng tissue para maipunas sa basa kong likod.
Tanging ballet shoes lang ang naitabi ko sa locker kaya medyo nahirapan ako sa suot kong maong na pantalon.
Hindi ko alam na naiuwi ko na pala ang lahat ng pang-practice ko.
Lumabas ako ng dressing room ng walang kahit isang tinignan. Nararamdaman kong gusto nila akong kausapin pero wala ako sa mood para tumugon sa kanila. Gusto ko na lang umuwi at magpahinga.
“Uuwi ka na?” Tanong ni Akiera ang bumungad sa akin nang makalabas ako ng studio.
Simpleng tango lang ang ginawa ko at naglakad na palapit sa aking kotse. Hinayaan ko na lang ang pagsunod sa akin ni Akiera dahil wala talaga akong ganang gumawa ng kahit ano.
Masyado akong na-drain sa sobrang pag-iisip at pagdudududa sa mga kasamahan ko. I’m scared, and I don’t know if I can accept the fact that they will betrayed me.
Isang higit ang nagpabalik sa akin. Tumama ako sa matipunong katawan ni Akiera kaya pagod akong bumaling sa kaniya. Matangkad siya sa akin kaya nakatingala ako habang pinagmamasdan ang nangungusap niyang mga mata.
“What’s bothering you?” Kunot-noong tanong niya.
I felt my cheeks burned when he looked at me adoringly. He holds my waist tightly but not to the point that it hurts.
Kusang napahawak ang mga kamay ko sa kaniyang dibdib nang mas nilapit niya pa ako sa kaniyang katawan.
“What’s wrong, Aster? Kanina ka pa wala sa sarili mo,” masuyong dagdag niya.
Umiling ako sa kaniya. Bali-balita ang pagiging gangster niya kaya natatakot akong baka siya ang pumatay kay Kian.
Ayokong malaman niya na wala na akong pinagkakatiwalaan kahit isa sa kanila. Hindi ko naman gaanong kilala si Akiera kaya it’s better not to trust him easily. I just hope that he’s innocent.
“Tell me, hmm?”
“Pagod lang ako, Aki. Uuwi na ako,” mahinang ani ko at pinilit na inalis ang hawak niya sa aking bewang.
Nakikiusap ko siyang tinignan kaya wala na rin siyang nagawa kun’di ang bitawan ako. Without uttering any words, I turned away from him and slid inside my car.
Before I close the door, he said something that stayed in my head while driving.
“I like you! I want you to trust me no matter what I did.”