After bidding my goodbyes to my two sisters, I exited our house, wearing a beige sleeveless crop top, denim high-waisted pants, and white rubber shoes. Pinadulas ko ang aking mga daliri sa nakaladlad kong buhok.
Kanina, after naming mag-agahan ng mga kambal ko, nakatanggap ako ng text mula kay ate Bianca. Nagsisimula na ang meeting nila at lahat ng ballerinas ay pinapapunta ngayon sa studio. After nila ay kami naman ang kakausapin kaya mas maganda raw kung naka-stand by na kami.
Sumilid ako sa kotse ko at tumingin muna sa salamin bago paandarin ang kotse. Namamawis na agad ang kamay ko, hindi pa nga nakakarating sa studio.
I should ready my body in case lang na atakihin na naman ako ng mga ballerina.
“Naroon na kaya si Aki?”
After minutes of driving, I swiftly park my car between the two SUVs. Muli kong inayos ang sarili at kinuha na lang ang cellphone bago lumabas sa aking kotse.
Naningkit ang mga mata ko nang makita ang pamilyar na imahe ng lalaki. Nasa labas ito ng studio at mariin ang pagkakatingin sa akin. Nakasandal ito sa pader pero nang magsimula akong maglakad palapit sa kaniya’y umayos ito sa pagkakatayo.
“What are you doing here?”
“Hinihintay ka,” simpleng tugon niya at iminuwestra na ang entrance ng studio.
Ngumiti ako at tumango na sa kaniya. Mabuti na lang ay nandiyan siya. I can fight for myself, but I’m scared to hurt them. Labag din sa batas ng organization ang manakit ng sibilyan.
“The police called yesterday evening. Nag-sorry sila sa ginawang pag-aresto sa atin. Nagkataon raw kasi nang masira ang CCTV ay tayo ang last na nakuhanan. May tumawag daw sa kanila at sinabing hindi tayo ang huling lumabas sa studio,” ani Akiera habang naglalakad kami papasok.
I sigh and nod my head as a response. Mas okay siguro kung sila mismo ang magsasabi sa mga ballerinas na nagkamali lang sila. Purong kasinungalingan para sa iba ang lalabas sa aming bibig kung kami ni Aki ang magsasabi.
“You good?”
“Yeah,” ngumiti ako sa kaniya.
Ilang minutong nagtanggal ang titig niya sa akin kaya ako na ang unang umiwas. Hindi ko kayang makipagsabayan sa pakikipagtitigan sa kaniya.
“Ano ba ‘yan, ang kakapal ng mukha!”
“Hindi man lang makaramdam!”
“Kung ako sa kanila, nag-stay na lang ako sa bahay.”
“Pinaninindigan talaga ang pagiging partner ah?”
“Huwag kayong lalapit sa dalawang ‘yan, baka bigla na lang nila kayong hiwaan ng paa.”
Hindi ko inalis ang tingin ko sa mga taong panay ang parinig. Sa bawat pagtatama ng mga mata namin ay iniirapan nila ako. Kung ganito palagi ang trato nila sa amin ay hindi na yata ako magkakapagpigil. We’re f*cking innocent!
“Tumigil na kayo Pauline,” sita ng isa at nahihiya kaming tinignan ni Aki.
Maya-maya pa’y ingay ng takong ang narinig namin. Papasok na ngayon ang mga managers, staffs, choreographers at ang director ng Limitless Entertainment.
All around ang hawak ng Limitless Entertainment. Bukod sa ballet, may mga singers, idols, artists, at iba pa silang hina-handle.
“Good morning to all of you!” Bati niya nang dumiretso siya sa harapan namin.
Kaniya-kaniya kaming bati rito pabalik na sinenyasan na lang niya sa huli. Medyo nakaka-intimidate ang presensiya ng director na nasa harapan. She’s wearing a black knee-length dress that perfectly fit on her body. Mataas rin ang takong na suot.
Hindi siya nakangiti. Ang mga mata niyang pinapalibot sa amin ang tingin ay medyo singkit. Napakapormal niyang tignan habang nakatayo sa harap. Nakakatakot siyang tignan sa mga mata, so totoo lang.
“Who are those two that the police mistakenly arrested yesterday?” aniyang inililibot pa rin ang tingin sa amin.
Hindi agad ako nakapagtaas ng kamay ng magtama ang aming mga mata. Nagugulat ko siyang tinignan ng mamukhaan ang kabuuan niya.
She’s the daughter of the most famous drug lord in the Philippines! Oh my gosh!
Alam kong mas matanda siya sa amin no’ng naging mission namin ‘yon. Wala na rin kaming naging balita sa kaniya nang makulong ang kaniyang ama.
Honestly, I’m so happy seeing her here. Kahit hindi niya ako kilala ay sobrang proud ako sa kaniya.
“Kami ni Aster, Madame,” malakas na saad ni Aki at kinuha ang aking kamay para maitaas niya rin.
“We’ll talk after this,” tanging sabi sa amin ni Akiera at binalingan ang kaniyang sekretarya.
Mahina ko siyang hinawi at binawi ang kamay para maibaba. Ngingisi-ngising nilapit ni Akiera ang kaniyang mukha sa tainga ko kaya bahagya akong umusod.
“Puti ng kili-kili mo, paamoy mamaya ah?”
Nanlaki ang mga mata ko at eksaherada akong bumaling sa kaniya. Nag-init ang aking pisngi nang magtama ang aming mga ilong.
Tang-ina…
He playfully titled his head and looked at my open lips. Umangat ang sulok ng kaniyang labi at nilayo na ang mukha.
Masyadong masakit sa dibdib ang biglaang malakas na pintig ng puso ko. Hinawakan ko iyon at iniwas na ang tingin sa kaniya. Gosh! Napakaharot niya.
“I won’t prolong it any longer,” the director said after talking to her secretary. Walang bahid ng ngiti ang kaniyang mukha kaya hindi na nagawa pang magbigay ng reaksyon ang mga kasama ko.
“The contest is next week. We already list your group on the participants; that’s why we can’t just removed you from it. Practice hard starting today. Do everything you can to make your performance good, even if you lose a member.”
She raised her eyebrow when they started to talk. May sasabihin pa sana siya pero dahil sa ingay ay huminto siya.
“Tamihik muna,” sita ng isang manager kaya umayos na ang ilan.
Tumikhim ang director at nagsalitang muli. “If you want to perform on that contest, go, and practice more than you used to. I know you can do it all. Trust your choreographer and also yourselves. You can start your practice anytime. If you need anything, say it to your manager.”
After that, sa mga managers naman humarap ang director at kinausap ito. Hindi ko inalis ang tingin ko rito kahit pa panay ang kalabit ni Aki sa kili-kili ko.
“What the hell is your problem, Aki?” Sita ko nang hindi pa rin siya tumigil.
“Do you like her?” tukoy niya sa director.
Pinagkunutan ko lang siya ng noo at iniwas na ang tingin. Ano ba’ng problema ng lalaking ‘to? Straight ako at obvious naman ‘yon. Malakas lang talaga ang saltik ng katabi ko kaya kung anu-ano ang lumalabas sa bibig.
“Ang lagkit mong makatingin sa kaniya, Aster. Naiinggit ako!”
“Edi tingnan mo siya ng ganoon,” naiirita kong wika at hinawi ang kamay niyang pumupulupot na sa bewang ko.
“Tanga,” bulong niyang narinig ko naman.
Sinamaan ko siya ng tingin at mahinang sinuntok sa dibdib. “I’m not stupid,” at ayokong sabayan ang panglalandi mo sa akin.
“C’mon, Aster, sa akin ka naman tumingin.”
Hindi ko siya pinakinggan. Hinarap ko ang manager ko nang lumapit ito sa akin. Medyo busangot ang kaniyang mukhang nakatingin kay Akiera.
Oh no!
“Hindi na raw kayo makakausap ng director. She’s sorry for what happened yesterday. Need niyo rin kasing sumali sa practice kaya next time na lang niya kayo kakausapin.”
Habang nagsasalita si ate Bianca ay hindi niya inalis ang tingin sa katabi ko. Ako ang nahihiya sa pinaggagawa ni Akiera sa kili-kili ko. Pilit ko tuloy hinahawi siya pero hindi naman nagpapatinag ang isa.
“Kiara, are you dating Hades?”
Ilang beses kong iniling ang ulo ko pero ang gagong katabi ko ay nilagay na naman ang kamay sa bewang ko. Hinapit ako nito palapit sa kaniya at hinalikan ang gilid ng ulo ko.
Nakakahiya!
Rumehistro ang galit sa mga mata ni ate Bianca kaya kinakabahan akong lumayo kay Aki. Medyo nahirapan pa ako dahil masyadong mahigpit ang pagkakakapit nito.
“Ate Bianca, hindi. Nagkakamali po kayo ng iniisip.” Pagtatanggol ko sa sarili ko.
Alam ng lahat ang pagkakagusto ni ate Bianca kay Akiera kaya naiintindihan ko kung magagalit siya ng ganito. Wala naman akong balak agawin ang sinisinta niya kaya pagbubutihan ko ang pagtanggi.
“Hmm, it’s okay, Kiara,” aniyang hindi ko naman naramdaman ang sinseridad. “I know you are just one of his toys. Sino ka ba naman, ‘di ba?”
Painsultong tumawa si ate Bianca. Hindi agad ako nakaimik sa tinuran niya. I licked my lower lip and bit it. Hinawi ko ang buhok ko at hindi na umimik nang umalis na siya sa harapan namin.
What the hell!