“HOW come they know that the queen is here?” I asked. Pribado ang pamilya ng reyna kaya nakakapagtaka na nalaman ni Lucio ang pagpunta rito sa Pilipinas. Kung may mga rumors man o nakakita talaga sa kanila ay imposibleng may maniniwala sa ganoon. Ang alam ko’y hindi pumapayag si Sir na mailagay sila sa kahit saang social news or media. “Lucio has many connections. May mga kakilala ang Weinford Family na kakilala rin ng drug lord na iyon. Baka pinangakuan ni Lucio ng droga kaya siguro may kumanta,” tugon ni Sierra. That makes sense. Maraming businessman ang nakaalam na uuwi rito ang mag-asawa. Siguro’y pinaimbestigan o talagang may mga pasaway na reporters ang nagpakalat. We are still looking for the Queen. Maggagabi na pero nowhere to be found pa rin. Laging error ang lumalabas sa s

