I don’t think I have a reason to stay here. Kanina nang magpaalam si Akiera na mag-C-CR lang ay dinumog ako ng mga babaeng tingin ko’y naka-fling niya. Inaya niya akong kumain sa katabing restaurant ng bar nila. Hindi naman ako sasama talaga dahil inaasikaso ko pa ang tungkol sa mga threats na natanggap ko. Ang kaso lang ay sinundo na mismo niya ako sa condo ko. Wala tuloy akong nagawa kundi ang maligo at magbihis. “Girl, pa-share naman ng dasal!” “Masarap ba siya?” “Ano’ng feeling na may jowa kang isang Akiera Hades?” “Are you a probinsyana?” “Duda akong seryoso sa ‘yo si Akiera eh.” Sa huli ay napabuntong-hininga na naman ako. Wala akong maisagot sa kanila dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung bakit sila ganito kung makatanong. “Tunay ba ‘yan?”

