I’M shaking right now. After I read Aki’s message, I saw something on my glass window. Nanginginig kong binitawan ang cellphone ko sa long sofa at dahan-dahang lumapit sa bintana. Hinanda ko rin ang postura ko kung may sakali mang panganib ang bubungad sa akin kapag nahawi ko na ang malaking kurtina. Napakagat ako sa labi ko at lakas-loob na hinawakan ang kurtina. Nagbilang pa ako hanggang tatlo at tuluyan nang hinawi iyon. With my eyes widely open, I unconsciously sat down. Nanginginig ang kamay ko nang ihawak ko ‘yon sa bibig ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Ang manikang nasa harapan ko ngayon ay iyon ding nilalaro ko noong bata pa ako. Putol ang dalawa nitong paa at nababalutan pa ng dugo ng baboy, base sa naaamoy ko. Ang mas nakakakilabot pa ay may suot itong tutu na kakulay n

