SINUBUKAN kong kalimutan na lang si Aster. Hindi na muli ako nag-i********:. Hindi na muna ako nagpunta sa Ballet Studio dahil wala pa naman kaming kailangang practice-in. Panay ang pambababae ko at kaliwa’t kanan na ang nagrereklamo sa akin. Wala naman akong pakialam dahil hanggang halik lang ako. Hindi ako umabot sa point na dadalhin ko sila sa isang motel dahil feeling ko’y hindi dapat ‘yon. Iyong mga babaeng halikan ko lang ng mariin iniisip nang may nangyari sa amin. Ilang beses na tuloy may umiyak at nag-trending pa ako sa kahit saang social media. “Mom, I already told you many times, I’m a freaking virgin!” Nauubusan na sa pasensiyang ani ko. Ka-video call ko ngayon si Mommy nang umabot na pati sa kanila ang tungkol sa mga babae. Gumawa talaga sila ng paraan para makausap ang

