“Ang bigat naman masyado niyan, Kiara,” kunot noong puna ni Sierra. Tumigil sila sa pag-inom para lang pakinggan ako. Pati si Tanya na may tama kanina ay parang natauhan sa kinuwento ko. “Hindi pa talaga nahuhuli ang pumatay? Edi pa’no ka niyan? Hindi ka ba natatakot na ba may bigla na lang sumugod sa condo mo habang tulog ka?” Alalang wika ni Tanya. Wala naman talaga akong balak na magsabi sa kanila. Nagpunta ako rito para kay Tanya pero sa akin na napunta ang atensyon nila. Nakakahiya tuloy pero kuryuso na sila sa nangyayari sa akin. Hindi ko naman maisarili ang lahat dahil baka sumabog na lang ako. “So far, wala naman. Panay lang ang padala nila ng death threats pero kung mangyari man ‘yon ay handa ako.” “Since alam naman na ni Si Val, mag-request ka sa kaniya ng bodyguards. Hind

